Chapter 2: Unang pagpatay

7.3K 142 14
                                    

Malamig ang simoy ng hangin ng gabing iyon. Parang animo ay magkakaroon ng bagyo,. Maitim ang mga ulap at wala kang makikita ni isa mang bituin sa langit. Ang lahat ay waring nagkukubli sa lagim na maaaring mangyari ngayong gabi.

Isang anino ng babae ang mag-isang naglalakad sa madilim na kalsadang iyon. Walang takot na sinusuong kung anumang panganib ang maaaring nag-aabang sa kanya. Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang paglakad... animo'y hindi alam kung saan patutungo... waring may hinahanap...

"Pa-pare, hik! Nakikita mo ba ang anghel na nakikita kong parating?" sabi ng isang lasing sa kasama niya.

"Oo, hik!... Ang gandang babae pare! Tara lapitan natin!" nagpatiuna na ito sa paglalakad.

"Ma-magandang gabi binibini... hik! Baka gusto mong sumama sa amin sa langit? Hik!" sabay lapit sa babae at hinawakan ang mahaba nitong buhok.

"Pare, muk-mukhang gusto niyang makipaglaro sa atin? Hik!" nakangising sabi ng isa pa.

"Ha-halika na, sumama ka sa amin.. doon.." at inalalayan pa nito ang babae sa paglalakad.

Waring nagpaunlak naman ang babae sa mga lalaking lumapit sa kanya. Walang mababakas na takot sa maaaring mangyari sa kanya. Sumunod lang siya kung saan siya ituro ng mga iyon.

Pagdating sa isang liblib na bahaging iyon ng kalsada, ay isa-isa ng hinubad ng dalawang lasing ang kanilang saplot sa katawan. Napapangiti pa ang mga ito sa tuwing titignan ang magandang dilag na kasama, na para bang nagugustuhan pa nito ang kanilang ginagawa.

Parang sabik na sabik na nauna ang isang lalaking lumapit. Unang humalik sa kanyang leeg, papunta sa kanyang mga labi. Noon naman ay sumunod na ang isa pang lalaki na pumuwesto naman sa kanyang likuran... Isa-isa na ding inalis ang kanyang kasuotan. Napatigil na lang an dalawa ng tuluyang masilayan ang kagandahan ng kabuuan nito... Lalo lang silang nanggigil at natakam sa putaheng nakahain sa kanilang harapan...

Itinuloy ng isang lalaki ang paghalik sa kanyang mga labi, habang ang lalaki namang nasa kanyang likuran ay pinaglaruan ang kaumbukan ng kanyang dibdib.

"A-aray!' napaatras na sabi ng lalaking kani-kanina lamang ay humahalik sa kanyang mga labi.

"Pare, nagdurugo ang mga labi mo! Ugh! Ang sakit ng mga kamay ko!" noon ay napaatras na din ang lalaking kanina lamang ay nakasapo sa dibdib ng babae.

"Ano 'tong nangyayari sa atin? Aaaahhhh..."

Unti-unting gumapang ang paninigas ng mga kamay ng lalaki sa kanyang mga braso, sa leeg, sa kanyang katawan... Unti-unting tumigas na parang semento ang buo niyang kalamnan... Hanggang sa tuluyan na siyang maging isang estatwa....

Hindi maampat ang pagdurugo ng mga labi ng isa pang lalaking kani-kanina lang ay lumapastangan sa babaw.. Parang isinuka lang niya ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Hanggang sa tuluyan na itong matumba... Hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng buhay.

"'Yan ang nararapat sa inyo!!!" sa huli ay itinulak pa niya ang lalaking naging estatwa upang ito ay tuluyang mabasag.

Pinagkaguluhan naman ng buong baryo ang nangyaring ito. Ng makita ang mga bangkay nila kinabukasan ay agad na tumawag ng pulis ang mga tao. Ngunit, kahit saang anggulo tignan ng mga pulis ang mga pangyayari ay hindi nila ito maipaliwanag. Nagkalat ang pira-pirasong laman at parte ng isang lalaki... Ang isa naman ay parang nagkaron ng bleeding ang lamang-loob nito at waring parang sumabog na lang lahat ng dugo sa kalsada... Mahirap ipaliwanag ang misteryosong pagkamatay ng dalawa. Ang tanging malinaw lang sa istorya ay pareho silang walang saplot ng matagpuan...

"Aling Siyon, bakit ang dumi ng mga paa ng estatwang ito?" tanong ni Matilda sa matandang katulong.

"Ay, hindi ko po alam Senyora!"

"Aba! Baka naglakad sa labas at naghanap ng lalaki sa sobrang pagkainip! Hala! Linisin ninyo yan! Ayokong may marumi kahit ano dito sa bahay ko!"

Nagmamadali namang sumunod ang matanda sa utos sa kanya. Bahagya pa siyang nagtaka kung bakit nga nagkaganun ang mga paa at laylayan ng damit ng estatwa ng namayapang Don. Ngunit, ang mas lalong ipinagtaka ng matanda ay ang bahid ng dugo sa laylayan ng damit nito.

"Parang sariwa pa... Saan kaya nakuha nito ang dugong ito?" sabay talikod ng matanda sa estatwa.

Isang pares naman ng mga mata ang nakatanaw lang sa estatwang iyon... SI Ivan... Kumbinsido siyang may sa milagro ang estatwa... Hindi niya lang maintindihan kung ano ang ipinahihiwatig ng mga panaginip niya tungkol dito ng nakaraang gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa din malinaw ang lahat.

"Senyorito! Senyorito! Nagkakagulo doon sa kabilang kalye... May dalawang lalaki ang pinatay... Nagkalat ang mga bangkay, tapos yung isa parang sumuka ng dugo, kaya namatay..." halos hinahabol pa ang hiningang pagbabalita ng kanilang hardinero.

Lalo lamang nagduda si Ivan sa balitang ito... Parang nahahalintulad sa kanyang panaginip... Malinaw na may gustong iparating sa kanya ang estatwa... Ngunit, totoo nga kaya ang kanyang hinala? Tunay nga kayang nagiging tao ang estatwang kanyang kaharap? Ngunit, bakit? Anong pakay nito?

Mahirap ipaliwanag, ngunit alam niyang may misteryong itinatago ang estatwang ito. At iyon ang dapat niyang malaman... bago pa mahuli ang lahat...

Ang Estatwa ni ElenaWhere stories live. Discover now