Kabanata 7

405 34 19
                                    

Ang Peklat

Kahit na pasado hatinggabi na ako nakatulog maaga pa rin akong nagising. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin bago ako umupo sa labas, nagbabakasakaling panaginip lang ang mga nangyari kagabi pero totoo talaga e, bakas ito sa pinagpipitagan kong mukha.

“Anak, ba’t may sugat ka sa pisngi?” tanong ni nanay.

“Nakalmot ko po yata,” sagot ko. Binigyan ako nang makahulugan na tingin ni nanay.

“Jawo, nakita kitang lumabas kagabi. Saan ka nagpunta?”

“A… ano po nagpahangin lang po ako sa labas. Oo! Iyon nga po ang ginawa ko kagabi,” hinawakan ni nanay ang balikat ko.

“May problema ba anak?” puno nang nag-aalab na pagmamahal ang pagkakabigkas ni nanay ng mga salitang iyon.

“Naisip ko lang po bakit may tinik ang mga bougainvillea?” natawa ang nanay. Hinaplos niya ang buhok ko.

“Hindi ko alam anak, bakit nga ba?” ngumiti si nanay at pinagmasdan ako na parang isa akong maliit na bata.

 “Kung ganoon hindi niyo po alam? Huwag po kayong mag-alala hindi ko rin po alam e,”natawa kami ni nanay sa sagot ko.

“Sige anak, pasok muna ako sa loob. Baka gising na ang kuya mo,” sabi nito. Tumango lang ako. Sa totoo lang hindi naman iyon ang gusto kong itanong. Pero nag-aalangan ako. Baka kapag itinanong ko kay nanay ang tungkol sa tatay ko baka bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya. Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya bakas ito sa gabi-gabi niyang paghikbi. Ayoko nang dumagdag pa. Siguro, ito na talaga ang kapalaran ko.

Kasalukuyan akong nagkakape nang dumating si Tom. May dala itong pandesal. “Pre, pasensya na sa nangyari kahapon,” nakayukong sabi nito habang inaabot sa akin ang isang plastic ng tinapay.

“Hindi mo ako madadaan diyan, pre. The damage has been done,”sagot ko. “Pre, patawarin mo na ako. Matalik tayong magkaibigan. At oo, tanggap na tanggap ko na mas gwapo ka sa akin,” natawa ako sa sinabi niya. Tanggap na tanggap na raw ng gago! E, langya mas hamak naman na gwapo ako sa kanya kahit hindi niya tanggapin!

“Teka nga Bartolome, ano bang kasalanan mo?” iniangat nito ang ulo at gulat na tumingin sa akin. “Ako ba Jawo e,  pinagloloko mo? The damage has been done ka pa diyan tapos… taragis akala ko ba alamat ka?”

“Easy pare. Baka hindi kita patawarin!”

“E, paano mo ako papatawarin hindi mo nga maalala ‘yong ginawa kong mali sa’yo! Mukha naman tayong tanga rito o!”

“Hoy! Hoy! Pwede ba Tom kung gusto mong maging tanga wag ka nang mandamay. Sarilinin mo na lang!”

“Ewan. Teka.. anong nangyari sa pinagpipitagan mong mukha?”

“Hindi pa kita pinapatawad! Ipaalala mo nga sa akin ano bang ginawa mo?”

“Kahapon ‘yong sa patay. Bigla ka na lang nagalit tapos iniwan mo ako. O heto nga pala ‘yong sahod mo kahapon,” tsaka nito iniabot ang pera. Iyon lang pala. Ang dami kasing nangyari kahapon e. Isa pa, hindi naman ako galit sa kanya.

“Praning ka pre. Hindi ako galit sa’yo pero ayos ka pala manghingi ng sorry may suhol pang kasama,” pang-aasar ko.

“E, ‘yong mukha mo kasi kahapon mukhang papatay! Hindi ako sanay na ganoon ka pre, mas sanay ako na alaskador ka,” pagtatapat nito.

Inakbayan ko siya, “Ikaw ang bestfriend ko pre bakit mo naisip na magagalit ako sa’yo? Gunggong ka talaga!”

Tumawa si Tom. “Bakit ka tumatawa?” tanong ko.

Nakakapagpamurang KamalasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon