I love you daw

16 3 0
                                    

I love you daw
Sa panulat ni Jc Magtalas

I love you
Napakasaya ko nang basahin ang salitang iyan.
Lalo na ng malaman kong ikaw ang pinagmulan.
Hindi magkandaugaga't halos maibato
Ang selpon ko para makapagreply nang mas mabilis kay narda pag lumunok ng bato.

Nananahimik sa isang sulok ang tangi kong gawain.
Pero pagkatapos ng I love you mo'y inuna ko nang itanong kung ikaw ba ay kumain.
Samantalang kahit ihain ang sarili kong pagkain.
Hindi ko ginawa para maramdaman mong ako'y maalalahanin.

I love you,
Ilang beses kong nabasa sa iyong mensahe 
Muntik-muntikan na ngang ito na lamang ang gawin kong putahe.
Nakakabusog ang bawat letrang umaatake,
Sa puso kong ngayo'y, ikaw na lamang ang laman at ang iba'y nagsimula nang mag-impake.

Wala na akong paki,
Unti-unti nang sinasabi ng aking sarili hindi ko na kailangan ng kape para magising sa katotohanan na nagustuhan na kita.
Hindi ko na kailangan ng tsokolate para masabing gusto mo ako. Sapagkat sa isang send ay naipakita mo. Hindi ko pa man nadidinig mula sayo, hindi maipaliwang ngunit  mamon na ang puso ko.

I love you.
Nakakatuwang gusto mo ako.
Teka, mali't mahal na pala ito.
Walang makapagsasabing hindi ito totoo.
Sapagkat sino nga ba sila para makita ang tunay na laman  ng puso mo.

I love you.
Isang araw hindi ka na nagtetext,
iba na ang iyong litrato at reply ko'y wala ng next.
Samantalang ang I love you na talagang mula sa iyo,
nabasa ko,
ngunit hindi para sakin bagkus sa ibang tao.

I love you.
Makapangyarihang salita.
Pinaniwala akong ika'y aking mahihita.
Pero wala, sapagkat isa ka lamang palang kandila
Mauupos at ang init ay mawawala.

Pahayag ng DamdaminWhere stories live. Discover now