My Dream Girl Exists: Ending - The Last Goodbye.

39 1 0
                                    

 

Kyle’s POV

          Maaga ako gumising para mag prepare ng breakfast. Nagluto ako ng pancakes at bacons. Nung nalagay ko na lahat sa lamesa bigla na lang ako nakarinig ng kalabog sa taas kaya naman nagmadali akong umakyat. Pag dating ko sa taas nakabukas nanaman yung pintuan ng stock room. Paniguradong si Mei yun. Bigla siyang lumabas ng stock room at nagulat nung nakita ako.

          “Oh, para nakakita ka ng multo? Di mo pa rin ba nakikita yung mga hinahanap mong gamit?” Parang nagpaparinig ako sa kanya.

          “Uhhm, hindi pa nga eh, PERO SURE AKO DOON KO LANG INILAGAY IYON!” May stress sa mga sinabi niya parang binawian niya ako.         

          Itinulak ako ni Mei tsaka bumaba ng hagdanan. Natataranta siya na ewan, parang mahalaga nga sa kanya yung potion.

          Sumunod na ako sa baba, hanggan doon nag hahanap pa rin siya.

          “Wala ka pa bang balak kumain Mei?” Tanong ko sa kanya.

          “Sige, mauna ka na kung gusto mo,” sagot niya.

          Napa-kagat labi si Mei habang iniisip siguro kung nasaan ang potion niya. Na-curios na ako ano meron doon sa potion na iyon. Dahan-dahan kong inilabas sa bulsa ko sabay kong inangat.

          “Ito ba ang hinahahanp mo?” Mahina kong sabi.

          Napatingin si Mei, nanlaki ang mata niya ng makita niya na sa ‘kin ang potion niya. Agad siyang lumapit sa ‘kin para kunin ang potion pero binawi ko ito at itinago sa aking mga kamay.

          “Ano ba? Hindi ka dapat nangingialam ng mga gamit na hindi sa’yo!” Galit na sabi sa ‘kin ni Mei.

          “Ano ba ‘to? Kanino ba ‘to nanggaling at parang napaka halaga sa’yo?!” Galit na tanong ko.

          “Wala ka ng pakielam doon, ibalik mo na lang kung ano ang sa ‘kin!”

          Medyo na offend ako sa sinabi ni Mei kaya naman hinawakan ko sa ‘tip’ ang potion at tinatangkang ihulog ito.

          “WAG!” Sigaw ni Mei.

          “Isang tanong , isang sagot Mei. Kanino ito nanggaling?” Mahinahon na tanong ko.

          Huminga ng malalim si Mei. “Kay Louie,” mahina niyang sagot.

          *Sigh* “Ano naman silbi nito?” Tanong ko.

          “Sabi ni Louie pag ininom ko iyan, magiging tao ako,” maiksing sabi niya.

          Itinago ko ulit ang potion sa bulsa ko. “Mei, alam mo tanggap kita kung sino ka. Kahit alien ka tanggap kita. Alam mo ba iyon?” Sabi ko.

          “Huh? Ano yung alien?” Nakakabasag na tanong ni Mei.

          “Basta mahal kita,” maiksing sagot ko.

          “Pero Kyle, kahit ba sa isang pagkakataon makinig ka naman sa ‘kin? Gusto ko maging tao okay?” Nagpupumilit na sabi niya.

          “Pero bakit? Bakit kailangan mo pa?” Sagot ko.

          “Ayoko na, nahihirapan na ako sa mga magulang ko. Ginugusto nila para sa ‘kin ang mga ayaw ko. Gusto mo ba mag kahiwalay tayo? Ayun ba yung gusto mo?!” Tumataas na boses ni Mei.

My Dream Girl EXISTS [FOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon