Chapter 36: Decision Making

21 0 0
                                    

Note: Sa mga nagtataka kung bakit ngayon ko lang 'to inupdate ay meron akong kadahilanan na TINAMAD na ako. Hahaha, ewan ko ba? Medyo matagal na rin kasi nung sinimulan ko 'tong itype. May 1 year na yata? Isa pa medyo nawala ako sa story dahil sa iba pang story na tina-type ko. Medyo nag mature naman na ako ngayon XD kaya medyo maayos na yung story. Tatapusin ko na lang agad kasi di ko na maalala yung mga gagawin ko dapat dito. Medyo focus na rin pala ako kay Mei, Kyle at Louie sa kanilang tatlo na lang halos iikot yung storya. So, thank you kung binabasa mo 'to. Enjoy :) -TFG

Kyle’s POV

          Malapit ng maghapunan nag handa na ako ng makakain namin ni Mei ng makarinig ako ng umu-ungol. Pinuntahan ko agad si Mei, gumagalaw na siya.

          “Ahhh! Nasaan ako?” Gulat na tanong ni Mei.

Napangiti na ako guminhawa na ang pakiramdam ko ng makita ko nang gising na si Mei. Abot langit ang ngiti ko noon.

          “Ohhh, wag kang matakot nandito ka parin sa bahay natin. Salamat naman at nagising ka na, hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala,” sabi ko sakanya.

          Tumingin agad sa’kin si Mei, napakalaki ng tingin niya pero napawi iyon ng tignan niya ang bracelet niya. Tatlong beads na lang may ilaw. Hindi ko alam ang mangyayari kung maubos ang ilaw noong beads pero alam kong hindi maganda iyon kaya hindi ko hahayaang maubos ang ilaw nito kahit ano gagawin ko.

          “Ang beads, tatlo na lang ang may ilaw,” sabi ni Mei na may pag-aalangan .

          “Hayaan mo na yan, mahalaga gising ka na,” sabi ko sakanya.

          Ngumiti ulit si Mei sa’kin. Inaya ko na siyang kumain. Inalalayan ko pa siya dahil parang wala siya kalakas-lakas sa katawan. Pag dating naming sa hapag kainan ini-upo ko siya ng dahan-dahan at ipinag hain. Syempre, karne dahil paborito niya ito. Habang kumakain hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sa’kin ni Louie. Masyado ng malayo at marami ng nangyari para mawala pa sa’kin si Mei. Para ‘bang kahit kalokohan kung saan siya nanggaling at hindi kapani-paniwala ang mga nangyari ayoko na siyang mawala sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa’kin pag nawala siya sa piling ko. Paniguradong ma-mimiss ko siya.

          “Parang ang lalim naman ng iniisip mo?” ‘Tanong sa’kin ni Mei.

          Napatingin ako sakanya na blangko ang mukha. Di ko alam ang sasabihin ko.

          “Ummm, ano kasi nag-aalala lang ako sa’yo. Ok ka na ba?” Tanong ko sakanya na may pag-aalangan.

          Inangat ni Mei ang kamay niya at nag ‘nag close-open’ ilang beses niya itong inulit.

          “Oo naman, sa tingin ko. Wag ka na lang mag-alala ang panget mo pag ganyan yung mukha mo eh,” sabi niya sa’kin habang nakangiti.

          Aba! Loko ‘to ah! Panget daw ako?

Mei’s POV

          “Wala na akong magagawa kung ayaw ‘mong bumalik dito. Sinabi ko naman na sa’yo na kailangan ka ditto bakit ba ayaw mong bumalik?” sabi sa’kin ng ama ko.

         “Sinabi ko na sainyo noon, masaya na ako sa lupa. Masaya na akong kasama si Kyle. Kung meron man akong papakasalan si Kyle na ‘yon!” Sabi ko na nag mamatigas.

          “Doon?! Sa immortal na iyon? Mahiya ka naman sa sarili mo, isa kang prinsesa! Sasayangin mo lang ang pagkakataon at oras mo doon sa hampaslupang iyon!” Sabi sa’kin ng aking ama na galit na galit.

My Dream Girl EXISTS [FOR REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon