3

23 3 0
                                    

North Rigel Dela Vega






2nd year Business Administration student na ako, varsity player at varsity stalker ni Heartmir.


Oo. Iisang school kami. Syempre. Kase magaling ako.


Dito ako ngayon sa canteen pumipila kasama ang tatlong na teammates ko na barkada ko na rin.


"Sabay tayo lunch." Sabay prisenta ng tray nya may pagkain.


"Salamat, Paul. May pera naman ako." Pagtanggi ko sa kanya.





Sobrang gwapo ko talaga. Pati ang baklang may pang barakong pangalan eh may crush sakin.

Siniko ako ni Leigh "Pre, si Heartmir." Sabay nguso nya.


Nakita ko naman si Heartmir na may hawak na juice na naglalakad palabas ng canteen.


"Pano kaya sya umorder. Diba di nagsasalita yun?" sabat naman ni Vent habang nagtatype na naging dahilan para tumawa ang dalawang spermcell sa harap ko.


"Mga bugok. Heart ko yung pinagtatawanan nyo."


"Susme. Inaangkin. Hahahah. Buti pa ako, happy life." Natatawang sabi ni Vent "Pre, pakiorderan naman ako ng kahit ano jan. Sagutin ko lang tawag ni Baby 3 ko." Sabay abot nya ng wallet kay Hector "Hello? Baby?" tapos naglakad na sya paalis ng pila.


"Napakababaero. Buti pa ako happy love life." Proud na kumento ni Hector. May girlfriend kase. Since 4th year high school pa kaya proud na proud. 2nd year na kami ngayon so, mga 5years na atang taken.


"Leigh. May gustong magpakilala sayo." Biglang sulpot naman ni Dexter, teammate namin "Babae to Leigh. Galing sa Communication Department. May gusto sayo. Sexy."


Ngumisi naman si Leigh na parang asong ulol. Isa ring tirador ng babae. "Pre, paki orderan naman ako. Yung pareho nalang sa order mo." Sabay abot nya ng pera kay Hector.


"Isa pang babaero." Kumento ulit ni Hector.


Kung di ako loyal kay Heartmir baka isa rin akong spermcell na naglalaway sa sa eggcell. Egg cell lang ni Heartmir gusto ko. Tangina. Manyak. Sorry my loves. Lalaki lang.


"Buti pa ako Pre no? Loyal kay Heartmir." Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa "Pakiorderan naman ako. Hanapin ko lang si Heartmir. Kahit ano lang jan. Tapos coke. Thanks." Tinapik ko muna ang balikat nya bago tumalikod.


Naabutan ko si Heartmir sa bench na nasa shady part ng soccer field katabi nya ang handbag nya at yung juice na binili nya. Nakapikit sya. Syempre opportunity ko to para lumapit. HEHE.


Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya at umupo sa Bermuda grass sa baba ng bench na inuupuan nya. Pag tumabi kase ako sa kanya baka magising kaya dito nalang ako.


Bat parang umitim syang konte? Mukhang pagod. Stress na stress kaya sya? Bat sya natutulog dito? Anong ginawa nya kagabi? May lalaki ba sya?!!!!


Nahulog ang kaunti nyang buhok sa mukha nya. Perfect. Sobrang ganda nya. Pano ko kaya liligawan to?


Nagsquat ako para maamoy sya. Tangina para akong adik. Hahahah. Sobrang bango nya. Ano kayang perfume nya? Sige tanungin ko nalang si Lavmir. Ispaspray ko sa kwarto ko para mag amoy Heartmir.


Umupo na ako at muli syang pinagmasdan. Halata namang nakamake up sya. Marunong syang mag ayos. Di naman sya yung nerd sa mga libro na nakabraces, may glasses, manang magsuot. Sya yung nerd na maganda. Marunong manamit at magmake up. Di lang nagsasalita at adik sa libro.


Syempre papalampasin ko ba naman ang lips nya? Syempre, hindi. Habang tulog sya eh pagnanasaan ko na. Bagay sa kanya ang lipstick nyang orange na parang pink na di ko alam basta bagay sa kanya. Perfect ang bibig nya. Lambot siguro neto. Grr. Sarap kagatin.


Napatayo ako nung biglang bumukas ang mata nya. Tangina!


"Heartmir!" napasigaw ako sa gulat. Tangina nagpapanic ako. Di naman galit yung mukha nya. Wala lang. Steady lang mukha nya. Pero yung tingin nya talaga na parang nagyeyelo.


"What?"


"Ano!! Napadaan lang ako!!" sabay talikod ko at naglakad ng mabilis.


Umupo ako sa tabi ni Vent na kasalukuyang nilalantakan ang adobong manok na ulam nya. Di lang sya mahilig sa babae, mahilig din sya sa pagkain. Patay gutom. Kaya suki ng gym kase lakas lumamon saka chicks hunting din sa gym gawa nya.


"Musta stalking natin?" tanong nya habang puno ang bibig.


Dun ko lang narealize na "Nagsalita sya!"


Natigilan naman sa pagkain ang dalawang spermcell sa harap namin ni Vent. Pero si Vent syempre kumakain parin.


"Di nga?" di makapaniwalang si Leigh.

Loving Heartmir Dela VegaWhere stories live. Discover now