Drop 08 - Bawal umasa, nakakamatay.

20.8K 473 58
                                    

Una.. gusto kong magthank you dun sa mga nagcomment.

Pangalawa.. salamat sa mga nagcheer up, lalo na dun sa mga nagsabi na "magpray ako kay Bro" ganun.

Pangatlo.. hindi ko kayo matiis!!! Buti na lang wala kaming pasok bukas.



____________________________________________________________________






Drop 08 - Bawal umasa, nakakamatay.


KARI

Ilang weeks ng nagpapacute si Dale. Hindi ko alam kung manhid na lang talaga ko o wala nang pakialam. Lagi siyang nagtetext, yung parang concern. Tapos lagi rin siya sa bahay. Ewan ko ba dun. Kung kelan naman sinisimulan ko na talagang tuluyang mawala yung nararamdaman ko sa kanya. Tsaka naman siya umeeksena.




“Sean Kulot, tara gala.” Aya ko sa kapatid kong nakahilata lang sa sofa namin. Kanina pa kami naglalaro ng 2K12. Di ko nga matalo-talo eh. Bwisit.




”Tinatamad ako. Si Dale na lang ayain mo, wala pang isang minuto andito na yun panigurado.”




”Alam mo ikaw, di ko alam kung anong trip mo. Dati sabi mo pigilan ko yung nararamdaman ko, tapos ngayon, gusto mong pagbigyan ko siya. Labo mo.” Singhal ko sa kanya.




“Bro, malaki ka na. Alam mo na ginagawa mo. Kung lahat ng magpapaiyak sayo, aawayin ko, pano ka magiging strong diba? Tignan mo nga, ang tigas mo na ngayon kay Dale. Ni hindi ka makuha sa pagpapacute.” Sabi ng kuya kong kulot.




”Eh kulot naman kasi! Kung kelan naman lumalayo ako, dun siya naghahabol. Nakakainis.” Reklamo ko at tumayo na. Ako na lang mag-isa ang gagala. Bwisit tong kapatid ko, ang tamad eh.




”Nagkapalit lang kayo ng lugar. Isipin mo, ganyan din nararamdaman niya nun nung nagbreak sila ni Rox? Kulit ka ng kulit?” Pahabol na pang-asar ni kuya.

My Ex-Suitor #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon