Drop 01 - Langit na walang stars.

28.9K 627 58
                                    

Dedicated to Roma. Bebe, salamat sa collab ng Band Aid: You're Still the One, Bebs with Hundred Days With You. Kakatats~ Akin na lang muna si Kats. Hahahaha, charot! More to come~ ALAMMOYAN. ;) 

Uy, wag sana kayong mag-expect ng mahahabang UD dito. Haha. Short story lang itey at tatapusin ko rin 'to agad. Tsaka susubukan ko ang aking makakaya sa ngalan ng langit na walang stars na hindi ko to gagawing madrama. 

Sinong magaling gumawa ng Cover dyan? Pagawan naman ang My Ex Suitor. Idededic ko sa kanya yung susunod na UD kapag nagustuhan ko. ^____^ Please?

_____________________________________________________________

DROP 01.

”Kuya, kayo na maghugas ah. Sige ma, akyat na ko.” Mabilis na paalam ni Kari sa mga nasa mesa at nagmadaling umakyat sa kwarto niya.




Habang nasa kwarto, naiinis na ewan si Kari. Alam niyang alam ni Dale na siya ang nagluto. At naiinis siya dahil kakaiba ang tingin ni Dale sa kanya habang kumakain. Tingin na parang nang-aasar na naaaliw sa discomfort niya.




”Nakakainis! Kapal ng mukha! Ganun pa siya makatingin! Kala mo gwapo! Kala mo.. qwertyuiopasdfghjkl!!! Bakit ba ko nagkagusto sa eyebags na yun!” Kausap ni Kari ang sarili habang pinanggigilan pa ang mga unan niya.

Gustong lumabas at umalis ng bahay ni Kari. Pero natatakot siyang makita ang pagmumukha ng banda ng kuya niya. O ni Dale.

Walang alam ang banda sa past ng dalawa. Kung past nga bang maituturing yon.

Ni hindi alam ni Sean na umabot sa panliligaw ang pagkakagusto niya kay Dale. Ang alam nito, crush lang. Paghanga lang.

Hindi siya desperada. Tanga lang.

Tangang nagkagusto sa isang lalakeng alam niyang may mahal ng iba.




“Kari naman kasi eh! Di ka kasi nakinig sa kuya mo eh. Dapat nakinig ka na lang kay Sean Kulot. Dapat nung nagkacrush ka pa lang kay Dale, pinigilan mo na. Ayan tuloy, sawi ka ngayon.” Kausap pa ni Kari ang sarili habang nakaharap sa salamin.




Ilang araw o linggo na pala niyang iniiwasan si Dale. Mula ng gabing sabihin nitong may mahal itong iba, umiwas na siya. Bakit hindi? Sobra na siyang nagpakatanga noh. Tama na yon.

My Ex-Suitor #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon