SJHW Chapter One

100K 1.1K 50
                                    

Aiden's POV

"Ano pare, babalik ka na ng Pilipinas?" Tanong ni Riley sa akin. He's my best mate and at the same time the greatest asshole in the world I know next to myself.

Napailing nalang ako. My bags were packed already, okay na rin pati plane ticket ko pabalik. Ako nalang ang hinihintay. "I guess so."

He laughed. The fucker laughed. "You guess? Damn it man! Bilib din ako sayo. You're married. Magdadalawang taon ka na dito sa Boston. Ang ganda ng asawa mo. Tapos nandito ka?"

Tama siya. Kung ganda lang paguusapan, maganda nga si Pippa. Pero pangalan palang tunog malandi na. I really don't like her. Childish siya, maarte. Walang pakialam sa lahat ng bagay. Ang importante lang ata sa kanya e yung itsura niya. Ayoko ng ganon. Walang direksyon ang buhay. Nakakapikon. If I could just turn back. Sana hindi ako ang nasa ganitong sitwasyon.

"Eh kung asawahin mo nalang kaya siya?" I snapped. Riley has always been supportive but he can also get into my damn nerves.

"Whoa man!" Napatayo na siya. "San naman nanggagaling yang galit mo? Pati ako nadadamay."

Tsk.

I sighed. Tama siya. Pero two years ko ding nilayuan yung babaeng yun. Tapos ngayon babalik na ko? I really can't imagine living with her. What more being her husband?

"Bumalik ka nalang muna sa asawa mo. Kung ayaw mo talaga sa kanya edi kausapin mo. Maiintindihan--------------."

"Makitid nga utak nun." Bakit ba niya pinagtatanggol? The fuck?

Napailing nalang si Riley. Gago to. "Bahala ka. Ilang araw mo lang siya nakasama ah? Wait, may isang araw ba?" Ngumiti nalang siya. Bu he's right tho. I left immediately after the wedding. Hindi na nga din ako umattend sa reception. I already attended the wedding, that's enough.

"Sige, umuwi ka na, try ko sumunod sa Pilipinas."

"At bakit ka naman susunod?" Tanong ko.

"Para saluhin asawa mo kung magdecide ka na ayaw mo talaga sa kanya." He smirked and then he's out of the door.

Damn it.

.

Pippa's POV

"Ano ba naman to Pippa? Where in the hell is your husband?" Malakas na sigaw ni Mama. Napapikit nalang ako. Kanina pa ako pinapagalitan. Hinahanap si Aiden. Grabe, dalawang taon ko na din syang pinagtatakpan. Patay ako neto.

I gulped. "Mama. I told you, nasa Boston si Aiden. He's really busy with the business. Kaya nga pinauna muna niya ako dito sa Pilipinas eh." Lies. Lies. Lies.

Pero nasa Boston naman talaga siya. Pero hindi naman niya ko pinauna dito. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng kasal namin, umalis siya. Iniwan na niya ako agad. Pinuntahan ko nun parents ni Aiden. Hingi sila ng hingi ng sorry.

Hindi ko alam kung saan kukuha ng kapal ng mukha. Imagine, we just wed tapos biglang MIA ang supposed husband mo? Daig ko pa ang na runaway groom.

Naiintindihan ko naman. Sana sinabi man lang niya ng maayos para nakapagisip pa ako ng mas magandang palusot. Hindi yung on the spot.

All I wanted from Aiden is honesty but I guess I don't deserve that one too.

Ang hirap din kasi. Kaya ayun, nung nalaman namin na nasa Boston siya, nagpaalam ako sa parents ko. Pumunta ako ng Boston, kakausapin ko sana siya. I'll try to work it out. Pero wala eh. Masakit.

Crush ko na siya. Matagal na. Kaya nung nalaman kong ipapakasal ako sa kanya, syempre masaya ako. Sobrang saya ko. Kahit papano, I have this hope. Na magugustuhan din niya ako. Why not diba? Maganda din naman ako, kahit na childish ako minsan, I graduated on top of my class. May utak ako. Hindi tulad ng akala ng iba. But then, behind this. Hindi ko rin alam kung anong iisipin ko. In the first place, hindi naman dapat siya eh.

I've been called names. Airhead, bitch, whore. Masakit, kahit paulit ulit na. Wala naman kasing immunity pag dating sa mga bagay na yun.

So sumunod nga ako sa Boston. Pero nung lalapitan ko na kasi siya, may dumating na babae. It's the first time that I saw him smile. Kahit na nung kasal namin he didn't even tried to look happy. Yung face niya, hindi maipinta. Parang yung kanta. Nakasayad ang nguso sa lupa. But that smile was genuine. Nakakainggit. Ngingiti din kaya siya ng ganon sa akin?

What broke my heart? It's the way Aiden look at her. There was something on it. Love. Doon palang alam ko ng walang kwentang ayusin pa. In the first place, may aayusin ba? Pinanghawakan ko nalang na kahit sa papel lang, eh akin siya.

Pak!

Napahawak nalang ako sa kaliwang pisngi ko. Nangingilid na yung luha ko. Ano ba yan, hindi lang puso ko masakit, pati pisngi.

"Wag kang magkakamali Pippa. Wag mo akong ipapahiya sa mga amiga ko. Ayusin mo ang relasyon mo sa asawa mo." mabibigat na salita ni Mama bago siya umalis ng opisina ko.

Sunod sunod ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Mabigat din kasi sa dibdib. Ano ba yan. Normal na to sa buhay ko. Lagi naman akong umiiyak. Anong bago? Wala.

Pag ganito, hindi ko mapigilan na maawa sa sarili ko. Isinubsob ko nalang yung mukha ko sa mahogany table ko. Kaya ko to. I've been keeping it together for so long now. I've been to worst right?

"Ma'am, okay lang po kayo?"

Napaangat ako ng mukha. Hindi ko namalayan na pumasok pala yung secretary ko. Pinilit kong ngumiti. "Yeah, I'm fine."

Huminga nalang ng malalim si Marian. Matagal na syang nagtatrabaho sa akin. Intern palang ako nun. "Ma'am, here's the report for the Montreal deal." Sabi niya sabay lapag nung mga papeles sa table ko.

I nodded. "Thanks."

Pagkaalis nung secretary ko kinuha ko agad yung phone ko. Tatawagan ko yung Mommy ni Aiden. Alam kasi niya kung ano talaga estado ng relasyon namin ni Aiden.

On the third ring, she finally picked up.

[Oh, Pippa hija. Napatawag ka? May problema ba?]

Meron po malaki. Pero syempre hindi ko sinabi yun. "Ano pa kasi, uuwi po kaya si Aiden?"

[Don't worry hija, siguro naman may respeto pa yun sa akin. I'll make sure of it.]

"Thank you po."

[No hija. Thank you. Dalawang taon mo ding pinagtakpan ang lokong yun. Pasensya ka na talaga.]

"Wala po yun. Sana nga po umuwi na siya."

Sana talaga.

Pero may magbabago ba pag nandito na siya? What if him leaving was the best for all of us? Hindi kaya guguluhin ko na naman ang buhay nya tulad ng ginawa ko noon?

I shut my eyes close. How can I miss him this bad, seriosly? Miss na miss at mahal na mahal na titiisin kong harapin ang galit niya basta malapit lang siya.

Basta akin pa siya.

But what if he'll ask for his freedom? Am I that selfish to choose not to let him go?

Hilingin na nyang lahat, wag lang iyon.

Please.
.

She's JUST His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon