Day 21: NgaNga

4.7K 91 10
                                    

DENISE'S POV


Bakit ang unfair nila Daddy? Bakit kailangan nila akong ipa-tapon sa America? Hindi ba pwedeng ilipat nalang ako sa ibang college dito sa Pilipinas? Kaka-On palang namin ni Ryu tapos aalis na ako? Pano na yan? Pano na kami? LDR? Ang hirap nun teh T.T 

2 months nalang at matatapos na ang School Year namin. Ang bilis noh? Ayoko pa, Ayoko pang umalis. Paano ko sasabihin to kay Ryu?

"Ba't ka umiiyak diyan?" Si Dom lang pala. Umiiyak pala ako? Ano ba naman yan. Kaya lagi akong binibigyan ng form sa drama club eh, hindi ko mapigilan ang emosyon ko. 

"Dom, pwede mo ba akong tulungan?"

"Saan naman?"

"Pagmukhain mo akong masamang girlfriend kay Ryu..."

"Ha?! Bakit naman?" 

"Aalis ako pagkatapos ng Recognition. Pinapapunta ako nila papa sa America. Ayokong mahirapan si Ryu kung maglo-long distance relationship kami. Alam kong may iba pang babae diyan na mas deserve siya kesa sakin. Ni-hindi ko nga nagawang tanggihan si Daddy..." Tumulo lalo ang mga luha ko. 

Bigla akong niyakap ni Dom. "Ba't hindi mo nalang sabihin sa kanya?"


"Mas Masasaktan siya kapag umalis ako ng *sob* kami pa. Kung aalis ako ng *sob* ang alam niya ay masama akong girlfriend, it would hurt *sob* less." Sabi ko. 

"Tahan na, tutulungan kita. Pangako" 

Pangako? 

"Bakit ganun Dom? Ang daya naman nila. Kung kelan nakahanap na ako ng taong magmamahal sakin, tsaka naman nila ako ilalayo. Ang unfair nila..." 

"Sigurado ka na ba sa Desisyon mo?" 

Sigurado na ba ako? Ito na ba talaga? Iiwan ko nalang si Ryu?

Syempre Hindi pero Kailangan. 

Tumango ako. 

At Nagulat ako ng bigla siyang kumalas sa yakap, hinawakan ang mukha ko at hinila ako sa isang halik. Kasabay ng paghalik niya ang pagpatak ng luha ko. 

DOM'S POV

Naglalakad-lakad ako sa hallway ng makita ko si Denise na nakaupo sa stairway. Nilapitan ko siya pero di siya kumikibo. Nagulat ako ng makita siyang umiiyak.

"Ba't ka umiiyak diyan?" Tanong ko sa kanya. Tumingala siya. 

"Dom, pwede mo ba akong tulungan?" Tulungan? Saan?

"Saan naman?"

The Casanova's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon