Previous Page of 4Next Page

The Casanova's Bodyguard

spinner.gif

Nakakainis! Sa Dinami-rami ng tao sa organization namin, ako pa ang pinili? Di naman ako pwedeng magback out. "Baby you light up my world like nobody else!" Nagring cellphone ko. Tiningnan ko yung caller ID, number lang siya. Who You? =)) 

Sinagot ko, "Hello? Sino to?" 

"Hey Denise or should I say, my bodyguard" Yang boses na yan. Kilala ko na yan. 

Nag-sigh nalang ako. "What do you want Dom? At Pano mo nakuha number ko?" 

"Binigay sakin ng Boss mo. Pumunta ka dito sa bahay ko" 

"At Ano ka? Sineswerte? Bakit naman ako pupunta sa bahay mo?" 

"Bodyguard kita diba? Dapat lang naman na nandito ka para protektahan ako" Ako ba talaga inaasar nitong lalaking to? Grrrr.

"Mayaman ka naman ah? Wala ka bang security diyan?" 

"Meron" 

"Meron naman pala eh! Sa School nalang kita hihintayin" 

"Tsss, Arte naman nito. Sige na nga" 

"Aba--"

Toot Toot Toot! Babaan ba naman ako?! Grrr, kung di ko lang talaga assignment to baka napatay ko na siya. Ano ba pwedeng cause of death para sa kanya? Naibitin ng Patiwarik? Nilunod sa Pasig River? Pinakain sa mga pating sa Bermuda Triangle? Pinakagat sa mga Antik? Parang lahat naman maganda.

I hate it when I have to be nice to someone I really want to throw a brick at. Kailangan ko maging sweet at caring towards Dominic Xavier? YUCK. Parang di kakayanin ng bladder ko. Erase nga!

Pfft. Naligo at Nagbihis ako tapos kinurl ko hair ko. Trip ko lang. Wala namang masama kung papasok ako na curled ang hair ko diba? Kinuha ko yung bag ko na nagco-contain ng aking Susi sa bahay, iPhone, iPad, Face Powder, Pabango at Emergency Sanitary Pad in case na magkaroon ako. 

Dahan Dahan ulit akong bumaba ng stairs kaso natapakan ko yung Squeeky spot. "Denise! Kain tayo breakfast dali." Hinila ako ni ate papunta sa hapag kainan. Diyos ko po, iligtas niyo po ako sa madaldal na bibig ng aking pinakamamahal na ate. 

Bigyan ko kayo ng info tungkol sa ate ko. Full name niya ay Amber Jackson Valderama at 20 years old na siya ngayon. Ang course na kinuha niya ay Medicine. Gusto daw niya kasing tumulong sa may sakit. Nung una hindi nga ako naniniwala na yun ang gusto niyang course kasi hello? Si Ate yan. Ang aking selfish at maarte na ate pero pinatunayan niya sakin na totoo ang sinasabi niya nang kunin niya yung course. 

Hindi ko pala namention sa inyo pero ang course ko ay Accounting. Balak ko kasi mag law eh ayoko naman kunin ang Political Science para sa aking Pre-law kaya ito nalang ang kinuha ko. Ie-explain ko sa inyo kung bakit Accounting at Law ang gusto kong course. 

Si Mommy ay may dalawang brothers na nagmamay-ari ng malaking company. Si Uncle Danny ay may-ari ng isang Law Firm at si Uncle Fred naman may ari ng company na may something with Accountants. Wala silang kids eh trip kong yumaman. Malay mo sakin ipamana yung company. Hahaha!

 Umupo ako sa silya at hinawakan yung kutsara at tinidor tapos kumain na ako. Si ate nagsimula ng dumakdak. "Alam mo ba ang saya saya ng araw ko kahapon kasi may isang lalaking sumurpresa sakin pagpasok ko ng school" Ay jeje, ayan nanaman siya sa mga boys niya. 

"BLAHBLAHBLAHBLAH" Yan ang naiintindihan ko. "BLAHBLAHBLAHKamiNaNiDom BLAHBLAHBLAH"

Puro nonsense. TEKA ANO?! *PFFFFT* Nadura ko yung iniinom kong milk. "Kayo na ni Dom?!" 

Napatigil siya sa kakasalita at napangiti. "Oo, hehehe" 

Tumayo ako sa upuan ko at hinawakan siya ng mahigpit sa shoulders. "Ate! Pagt-tripan ka lang ni Dom! Ano ka ba naman?! Ang dami-daming tao sa mundo, Bakit siya pa?!" 

Tinanggal niya yung kamay ko sa shoulders niya tapos tiningnan ako mabuti. "D, kasalanan ko bang siya ang sinisigaw ng puso ko? Look, I'm sorry kung inagaw ko sayo ang crush mo pero tulad ng sabi mo, madaming lalaki sa mundo at mahahanap mo rin ang nararapat sayo" 

Ano daw? Paki ulit? CRUSH? "Hindi ko crush si Do--"

"Wag mo na i-deny. Huling huli ka na. O gora na, mala-late ka sa school" tinulak-tulak ako ni Ate palabas ng bahay. Patawarin sana ako ng panginoon. 

Naglakad na ako papunta ng school. Ate, kapag pinaiyak ka ni Dom pangako ko sayo na gagawin kong impyerno ang buhay niya dito sa planetang ito. Pumikit ako saglit at pagmulat ko... 

-.-

o.-

-.o

O.O Asan ako?! Pag tingin ko sa kaliwa ko, nakita kong tumatawa si Dominic. Problema nitong lalaking to? Kidnapper ata to eh! Bigla-Bigla nalang naghihila ng babae. "Hoy ikaw, ba't ka natawa diyan ha?" binatukan ko siya. "At pwede ba Wag mo kong kidnappin?"

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (20)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended