Chapter 90 -- Sweetness Overload (Levis -Trigan)

68.7K 655 109
                                    

------Levi Moldovan's POV------

"Lalalala!" Naririnig ko pang pakanta-kanta si Eris habang tumutulong kay Artemi sa pagpipintura ng sarili niyang kwarto.

Nasa labas naman kami ni Megan at pinag-uusapan siya. 

"Malala na talaga ang kapatid ko." Tila nahihiyang saad ni Megan sa akin.

"Sinabi mo pa." Sangayon ko naman.

Dumaan din sa harapan namin si Dylan at panay ang reklamo tungkol kay Eris. "Alam nyo bang binulahaw ako niyan ng madaling araw para lang pakulayan iyang kwarto niya!? Architect ako hindi pintor!" -_-

"Pagpasensiyahan mo na lang kuya Dylan ewan ko talaga kung anong nakain niyan lately eh." Saad naman ni Megan.

"Buti na lang nandiyan si Artemi at di na niya ako kailangang idamay diyan sa kabaliwan niya!" Hirit pa rin ni Dylan.

"O nga kuya eh, magaling talaga na pintor si Artemi kaya di problema iyang pinapagawa ni Eris."

"At buti naman di mo pinagtatanggol iyang girlfriend mo ngayon Levi." Saad sa akin ni Dylan.

"Tsk! Minsan nga kinakahiya ko na yan eh." Sagot ko naman.

"Asus! Kinakahiya daw!" Pagpaparinig sa akin ni Megan.

"Moldovan!" Tawag sa akin ni Eris habang nagtatakbo palapit sa amin.

Kanya-kanyang lakad naman palayo sina ate Megan at Dylan. Aalis na rin sana ako kaso ako yung tinawag eh kaya wala akong magawa kundi ang manatili dun.

May kung ano siyang hinahanap sa bulsa ko kaya agad ko siyang sinaway. "Hoy baka iba ang makapa mo diyan!"

Ngumisi lang siya at tumigil lang nung sa wakas ay nahanap niya yung shades ko. Sinuot niya yun sa akin bago ako hinatak papasok sa kaniyang kwarto. "Halika Moldovan tingnan mo ang painting namin ni Artemi sa pader."

"Pano ko naman makikita?" tanong sa kaniya. -_-

"Ay o nga pala, haha mamaya na lang di pa pala pwede ngayon." ^___^y

"Tsk! Malala ka na talaga!" -_-

"Galit ka na naman ba?" :(

"Bumalik ka na nga sa pagpipinta mo dun!" Utos ko sa kaniya.

Nag tiptoe pa siya upang maabot ang labi ko then she wrapped her arms on my shoulder. Matapos akong halikan ay nagbanta siya sa akin. "Wala ka nang takas sa akin mamaya." Then she made an evil grin.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "Hindi ako pupunta." Pang-aasar ko sa kaniya.

Pumalatak siya ng tawa. "Ikaw hindi pupunta? Imposible!"

"Magsusuot ako ng shades." Paalam ko sa kaniya. 

"Pwes huhubaran kita at di ako magtitira kahit shades mo!" Banta naman niya sa akin.

Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. "Pilya ka talaga!"

"Sige na..." malambing niyang saad habang hinihila ang laylayan ng damit ko.

"Oo na, mamaya makikita mo kung gano ako ka-wild!" Sabi ko na lang para di na niya ako kulitin.

"Bawal umabsent ha?" Paniniguro niya.

"Oo bawal umabsent!" Tinaas ko pa ang kamay ko at nag-promise sign.

Tumikhim si Artemi na kanina pa pala nakikinig sa lampungan namin kaya agad kaming naghiwalay ni Eris at dumistansiya sa isa't-isa.

"Tutulong ka pa ba sa akin o maglalampungan na lang kayo diyan?" Naasar na tanong ni Artemi.

"Sorry boss!" Dali-daling bumalik si Eris at muling nag-assist sa nagpipinturang si Artemi.

Imperial Ladies (The Continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon