Chapter 18

76 3 1
                                    

Chapter 18

"Ui anong nangyari sayo at mukhang hindi ka mapakali dyan Karyl"

Nandito na nga pala kami sa may gate ng EJU. Nagkasabay kasi kami ulit ng pasok ni Karyl

"Ha? N-nako wala toh... Ha ha ha"

Tignan niyo tong si Karyl nagiging weird narin. Saka alam niyo bang hindi ko na nakita itong babaeng toh pagkatapos namin sumayaw ni Kris mylabs. Alam niyo bang nakakatampo yun pero sige na nga dahil mabait naman sakin si Karyl edi okay na okay na yung pag iwan niya sakin sa party :D

"Hay nako ang weird mo na Karyl"

"Ganun? Weird na ba talaga ako?" sabi niya

"Hi Sunny Babe! Oh Honey Bunch~" sulpot naman nitong si Kirk

Minsan naiisip ko buti hindi niya nahahawaan ng virus yung Kris mylabs ko. Pero teka nga!

"Honey Bunch?!?!" sigaw ko

Homaygash!

"T-tara na nga Sunny may MANYAK kasi dito" sabi ni Karyl sabay tingin ng masama kay Kirk at higit sakin.

"W-wait lang!" sabi ko pero wala na, nahigit na ako ni Karyl papuntang cafetería

Wait cafeteria?! Holo?! Bakit kami nandito? Diba may klase pa kami?

"Kaaaaryl! Bakit tayo nandito? May klase pa kaya tayoooo" sabi ko

Ayoko kaya mag cutting noh. Never in my entire life na nag cutting ako kahit hindi halata sa facelak ko xD

"Sunny naman~ kahit ngayon lang pwede bang mag cutting muna tayo? tinatamad lang talaga ako umattend nung boring na subject natin"

Sabagay may point siya. Ang boring nga naman talaga nung subject namin na yun kaya nga minsan nakakatulog ako nyahahaha

"Sige na nga pero teka nga bakit mo ba ako hinigit kanina? May tatanong pa naman sana ako kay Kirk *pout*"

Pagkatapos namin bumili nung kakainin namin umupo na kami dun sa medyo dulo para hindi kami gaano kita baka kasi isipin nila nag cutting kami kahit nag cutting naman talaga xD

"Bakit ano ba itatanong mo dun sa manyak na yun?"

"Maka manyak naman toh. Alam kong manyak yun pero teka nga bakit ba galit na galit ka dun sa lalaking yun? Hala ka baka naman--" di na niya pinatapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang sinubo yung isang buong sandwich na bili niya

Tignan niyo tong si Karyl isubo ba naman yung sandwich na bili niya sakin

"Ha ha ha. Ang sarap niyan diba? Kung gusto mo pa meron pako dito"

Hmmm... Infairness masarap na yung sandwich nila *u*

"Ano nga ulit itatanong mo k-kay manyak este Kirk p-pala he he he"

Ay oo nga noh tinatanong niya nga pala yun

"Kakamustahin ko lang sana si mylabs kaso bigla mo naman akong hinigit kaya ayan tuloy" sabi ko sabay kagat ulit nung sandwich

"Yun lang pala eh! Malamang sa malamang okay lang yun. Pero teka nga ano na nga pala nangyari dun sa sayaw niyo?" tanong niya

Enebeyen naalala ko nanaman yung party na yun at yung sayaw namin. Kinikilig nanaman tuloy ako :">

Kinuwento ko naman sa kanya yung nangyari at ayun kilig na kilig ang babae with matching paghampas pa

"Talaga nag usap kayo nun?! Eh diba halos itapon ka nun patiwarik kasi naiingayan siya sayo. Naks naman umuunlad kana"

My Crazy SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon