Chapter 6

145 7 1
                                    

Chapter 6

Nandito ako ngayon sa canteen at samakatuluyang nag-iisip ng aking kakainin. Makapag burger na nga lang baka kasi kulangin pa yung pera ko at paghugasin pako ng pinggan dito >3<

Ang mamahal pa naman ng mga paninda dito kala mong may ginto sa mga pagkain nila eh di hamak na mas masarap pa yung mga luto dun sa restaurant ni Tito Peter -_____-

"Ate isang burger nga po saka samahan niyo narin ng paborito kong orange juice"

"Ito na po" abot sakin ni ateng taga bantay

Nako wala na nga atang bakanteng upuan dito ayoko pa namang maki share sa mga estudyante dito kasi ang sososhal saka wala akong kaclose at kalevel dito >_______<

Ayun buti may pwesto doon sa bandang dulo pero infairnes naman ah ang ganda pala pumwesto dito. Dito nalang pala ako pupwesto palagi ^_______^

Makain na nga itong burger ko...

"Hey yow!"

O___________O

Hala ka! Anong ginagawa nila dito? Dont tell me--

"Baliw talaga. Psh"

Kyaaaaaa~ Ohlala ito na po ba lord yung grasyang ibibigay niyo saakin? Nako thank you lord!

Napahawak naman ako sa bibig kong naka nganga. Kahiya talaga ko eh nako baka mahalata niyang pinagpapantasyahan ko siya hihihi *u*

"Ah eh... he-he" Grabe kinakabahan ako. Magtatapat na ba si Kris mylabs ng kanyang pag-ibig para sakin? Nako I do! I do *O*

"A-anong kailangan n-niyo?" Gosh ayan na hihihi

Umupo naman si Kirk the playboy sa tabi ko at si Kris naman umupo siya sa kaharap kong upuan

Anong nangyari sayo Mother Earth? Mag e-end of the world naba at grabe ang grasyang ibinibigay niyo saakin? *u*

"Ano kasi babe itong inuupuan mo ay pwesto namin" paliwanag ni Kirk the playboy

Wait nga lang. Kailan pako naging bibe? Sa pagkakaalam ko pinanganak ako ng nanay kong tao at hindi bibe saka kung bibe ako edi dapat nasa farm ako diba at wala sa EJU. Baliw rin tong Kirk nato eh -______-

"Babe?! Hindi naman ako Bibe ah nako baliw kana ata Kirk eh" sabi ko na medyo pasigaw

Ano ba naman yan ang agaw eksena ko talaga. Ayan ansasama nanaman tuloy ng tingin ng mga estudyante sayo lalo na yung mga babae halos gusto ka na nilang letchunin sa mga tingin nila eh >3<

"Kaw talaga babe patawa ka hahaha" sabi nitong si Kirk na walang pakielam sa mga tingin ng mga tao dito samin

Sinimangutan ko na lang siya at napatingin ako dito sa harap ko na si Kris habang may earphone sa tenga. Nakikinig siguro ng music sa ipod niya

Ano kaya yung pinapakinggan niyang music noh? Parang gusto ko ring pakinggan kaya sa walang kamalay malay ay nasa tabi na pala niya ako at kinuha yung isang earphone mula sa tenga niya

"What the hell!" sigaw niya

Ala anong kabaliwan nanaman yang ginawa mo Sunny? Ang baliw baliw mo talaga!

"Ay sorry sorry. Gusto ko lang naman pakinggan yung pinapakinggan mo eh" sabi ko

"Ayan kasi ang kulit kulit niya"

"Lagot siya"

"Ang flirt kasi"

"Sorry talaga saka gusto ko lang naman makipag friend sayo eh saka Kris crush kasi kita dati pa" sabi ko sa kanya pero no reaction lang siya.

Ang sungit sungit niya talaga kaya yung ibang girls takot na kausapin siya kasi baka mapahiya lang sila tapos yung iba naman hanggang tingin na lang sila. Pero don't cha worry Kris mylabs mapapalambot ko rin yang heart mo. Kung kailangang pakuluan ko sa kumukulong tubig gagawin ko nyahahahaha!

"Pwede ba! Di kita gustong maging kaibigan saka ayokong may kaibigang tatanga tanga" sabi niya sabay alis na

Tanga tanga agad? Di ba pwedeng clumsy muna? O.A din tong si Kris mylabs eh -___-

"Pagpasensyahan mo na si Kris, Babe. Ganun talaga yun. Sige una narin ako ah marami pang naghahanap saking mga chikababes" sabi ni Kirk sabay kindat

Loko rin talaga tong si Kirk the playboy eh. Babe siya ng babe eh hindi nga ako bibe. Bulag ba siya? Nako minsan nga masabihan yun na magpatingin sa doctor

"Oh Sunny! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap ah" sabay sulpot nitong si Kyle sabay inom dun sa orange juice na nainuman ko na

Nakakainis din tong si Kyle eh parang kabuteng bigla bigla nalang susulpot saka mang-aagaw pa ng orange juice. Saka diba nainuman ko nayun edi ibig sabihin siya yung first indirect kiss ko?!?!

TT___________TT

"Kadiri ka! Kadiri ka!" sabi ko sakanya at pinagpapalo ko siya

"Aray! Aray! Ano nanamang ginawa ko? Ui masakit yan ah sumusobra kana" sabi niya habang todo iwas

"Bwisit ka talaga Kyle! Magnanakaw ka!"

"Hoy hoy Sunny masamang mamintang ahh saka ano namang ninakaw ko sayo?" tanong niya

"Nagkakaila kapa ninakaw mo yung first kiss ko. I hate you! I hate you!" sabay paghahampas ko ulit sakanya

"Pano mo naman nasabi? Ikaw masyado ka ahh" sabi niya

"Ininuman mo kaya yung juice ko!"

"Ano naman? Parang juice lang ahh saka masama nabang uminom ng juice?"

"Oo masama! Ininuman ko nayun ehh *pout* saka di mo ba alam indirect kiss yun! INDIRECT KISS!" sigaw ko sakanya

"Sus may paganun-ganun kapang nalalaman ayaw mo nun ang ka indirect kiss mo gwapong katulad ko" sabi niya sabay pogi sign

Kapal talaga ng face ng lalaking to! Ang gusto ko si Kris hindi siya >3<

"Ayoko sayo!"

"Nakaka hurt ka naman" sabi niya sabay emote, sabay kagat bigla dun sa burger na hawak ko na hindi ko pa nakakagatan

Kinuha na nga niya yung first indirect kiss ko na dapat kay Kris mylabs lang tapos pati ba naman tong burger ko kinagatan niya rin

"Burger ko yan e--"

"What a flirt nga naman girls" sabi ni Chloe

"Your right Chloe. Hey Little Sunny stop fliring nga our Kyle you b*tch" sabay hila sa buhok ko ni Audrey

"A-aray Audrey. Nasasaktan ako ano ba!" sabi ko

"Aba't talagang nasagot kana samin ah" sabi ni Sam sabay taas ng kamay niya para sampalin ako pero hinawakan yun ni Kyle

"Hoy kayong tatlong panget tigilan niyo nga tong si Sunny di hamak na mas maganda pa siya kaysa sa inyo" sabi ni Kyle sabay baba nung kamay ni Sam at tinulungan niya akong makawala dun sa pagkahawak sa buhok ko ni Audrey

"Pero Kyle she's flirting you" sabi ni Chloe

"Flirting? Are you sure?" tanong ni Kyle

"Yes were very sure" sabi nina Audrey at Sam

"Oh sorry but your wrong. Tara  na nga Sunny baka di ko lang mapigilan sarili ko at masapak ko tong tatlong panget nato" sabay hila sakin ni Kyle

"I hate you Sunny! Di pa tayo tapos!" Sabi nina Chloe

Nako ayan na nga ba yung sinasabi ko eh kaya hindi ko na pinapatulan yung tatlong yun kasi for sure ako lang talo saka lagot nanaman ako sa mga yun. Itong si Kyle naman kasi pinatulan pa e dapat hinayaan na lang niya yung tatlong yun

Ang malas malas ko talaga. Tama nga siguro si Kris na tatanga tanga ako >3<

My Crazy SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon