Chapter 29: Letting Go....

8.8K 143 21
                                    

-Katsumi.




Himala nagka-POV ako, actually, hindi to normal na POV o usapan, may usapan kasi kaming mag bregs, yung pang p5 lang, siguro naman alam niyo na yung nangyari kay Kath at Daniel diba? Nandito kami para magusap ng masinsinan.

Bumalot ang katahimikan simula nung nakumpleto kami, siguro mga 20 minutes na.

"May paguusapan ba talaga tayo? May pupuntahan pa ko." Lester. Bitter nyan kay Daniel e.

"Kanina pa walang nagsasalita ah. Lokohan lang pagpunta natin dito?" Seth, isa pa yan.

"Guys, baka naman gusto magpaliwanag ni Daniel diba, kasi first of all dapat tayo ang unang makakaalam ng mga nangyari this past few days.. Please guys, kahit ngayon lang.. Pakinggan natin siya." Jc.

"Walang problema sakin bregs." Sabi ko tapos umayos ng upo.

"Siryoso ako mga pare, nung tinulungan ko si Zharm.. Para sa mag-bestfriends lang yun, ganun naman kami dati diba? Kilala niyo siya. Alam niyo kung ano yung meron samin.. Bestfriends.. Di na madadagdagan yun.."

"Nung gabing sinundan daw kami ni Kath.. Namisunderstand niya yung meaning nung Kiss. Pero shit naman pare.. Pati ako nagulat sa ginawa ni Zharm na yun.. Sabi niya.. Last na daw yun para sa mag-bestfriends.."

"Alam mo pare.. Ang pag-ibig mapanlinlang yan.. Akala mo meron, pero guni-guni lang pala.. Minsan akala mo kausap mo, minsan akala mo malapit sayo.. Parang kanta.. You seem so near pero pantasya lang pala." Lester.

"Sabihin mo nga Lester. Kung ang pag-ibig ay mapanlinlang.. Bakit patuloy nagpapalinlang ang tao sa pag-ibig? Nagpapatunay ba 'to sa kasabihan na 'Sa ngalan ng pag-ibig, ang tao ay nagiging bulag, pipi at bingi?' Sa madaling salita.. Ito ay isang dakilang Tanga.. Parang ikaw, kahit alam mong hindi ka mamahalin ni Kath magpapatuloy ka pa rin? Pare naman, ano bang napapala mo sa One-Sided Love?" Seth.

Campus Bad princess. (Kathniel FanFiction)Where stories live. Discover now