THE LAST CHAPTER

22.9K 388 62
                                    

THE LAST CHAPTER

Patuloy ako sa pagtakbo kahit hindi ko alam kung saan talaga ako papunta.

Basang basa na ako ng ulan.

Para bang pakiramdam ko wala ng katapusan ang kalsadang tinatakbuhan ko.

Walang hangganan.

*sniff*

Ayan ka na naman kase Glazy! Pina-iral mo na naman ang pagiging dumb mo!

Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Bukod kase sa ulan wala ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may makasalubong akong sasakyan.

Sobrang liwanag ng ilaw nito at nakakasilaw.

Tumabi ako sa daan para makadaan ito pero...

Imbis na lumampas, tumigil pa ito sa harapan ko.

May lumabas na isang lalaki galing sa passenger seat. Nagbukas siya ng payong at dali-dali akong pinayungan.

O_O

Eh?

At bago pa ako makapag-react, bumaba ang salamin na bintana ng kotse sa bandang likuran.

Namilog ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Sir Vergara.

Ang Grandpa ni Kelvin.

O_O

Paano niya nalaman na nandito kami?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ewan ko ba pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sumakay ka na hija." Utos niya.

Hala. Ayoko. Nangako na ako kay Kelvin at kailangan ko yung tuparin.

Kaya naman..

*ILING*

Tumungo ako, sign of respect.

"Sorry po, pero ayoko ng bumalik." I said in a low voice.

Hinihintay ko ang galit na boses ni Sir Vergara pero wala.

Kaya naman tumunghay na ako para makita siya.

Kaya lang..

Nakasarado na ang bintana sa tapat niya.

At noon ko lang napansin na dalawa pala ang kotseng nakatigil.

Bumaba mula sa pangalawang kotse ang dalawang lalaking naka-american suit at bigla na lang akong hinawakan sa magkabilang braso.

O____O "Ah--teka! San niyo ako dadalhin?!"

Hanggang sa naisakay na nila ako sa pangalawang kotse.

-__-!

Hindi ako makatingin kay kelvin.

Nasa salas kami, pinaggigitnaan ako nina Kelvin at Hero. At nasa harapan namin si Sir Vergara.

Nahihiya talaga ako sa kanya. Sa tuwing mangangako na lang ako sa kanya lagi na lang napapako. Kamusta naman yun?

*ACHOOOOO!*

O///O

Nabasag ang katahimikan at ang nakaka-pressure na moment sa pagitan naming lahat.

V///V Nakakahiya naman.

Hindi pa kase ako nakakapagpalit ng damit. Basa pa rin. Pero may bathrobe na akong suot.

"Kelvin, hindi ko akalain na magagawa mo ito! Alam mo bang napakalaking eskandalo ang naging resulta ng ginawa mo?!" panimula ni Sir Vergara.

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon