CHAPTER 37: ANG SELOSONG MATSING

13.7K 183 4
                                    

CHAPTER 37: ANG SELOSONG MATSING

"Ayaw niyang buksan yung pinto ng kwarto niya eh."

"Hala baka malala yung pagkakabagsak niya kanina, kailangan na siyang matingnan ng Doctor!"

"Eh nasan na ba yung Doctor?"

"Tinawagan na ni Mama. Paparating na yun sa mga oras na to."

O.o?

Nilapitan ko yung dalawang Maria at si cow girl.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila.

"Wala ka na don! Magpaligo ka na lang ng mga kabayo sa kwadra!" Pam.

-___-! Gusto niya ba ng sapak?

Hindi ko na lang pinansin masyado yung sinabi niya.

"Ah nakita niyo ba si Kelvin?" Tanong ko ulit sa kanila.

"KELVIN?!" Cow Girl

Bakit? O_o?

"ULITIN MO NGA YUNG TAWAG MO SA KANYA! KELVIIIIIIIN?" Sabay pa talaga sina Pam at Neri ha.

Hala. O_O

Bakit nga ba Kelvin lang yung tawag ko sa kanya?

Umuusok na ang mga ilong nila na parang mga toro.

Ish. Ang tanga ko talaga.

Napakamot ako sa ulo sabay sabing "Sorry nakalimutan ko. Sir Kelvin pala. Hehe."

"Hehe ka dyan! Umalis ka nga dito! Siguro na-bad trip sa mukha mo si Kelvin kaya siya nagkulong sa kwarto!" Bulyaw sa akin ni Cow Girl.

Ang uver naman niya! Bakit naman mababad-trip sa akin si Kelvin ko eh gustong gusto nga nya yung mukha ko! Hahaha! Assuming ang bruha!

TEKA

O_O

"Nagkukulong sa kwarto si KELVIN?!"

~___~ "Grrrrrrrrrr! Ginagalit mo ba talaga kami huh?! Gumalang ka nga sa kanya! Wag kang feeling close!" Cow Girl

U_U Sorry naman.

Hindi ko na sinagot si Cow Girl. Nagmadali akong nagtungo sa kwarto ni Kelvin.

Bakit siya nagkukulong sa kwarto niya?

May masakit kaya sa kanya?

(TTwTT) Waaaaaaaaaaaah! Kawawa naman ang Kelvin kooooo!

*KNOCK*KNOCK*KNOCK*KNOCK*

Kelvin buksan mo naman yung pinto oh.

Naghintay ako ng konting seconds bago kumatok uli.

(TToTT) Kaya lang hindi niya talaga binubuksan.

"Kel--Ummmp!!"

O__O

Bigla kasing may nagtaklob sa bibig ko at hinila na lang ako papalayo sa kwarto ni Kelvin.

*PLAGAK!*

"Araaaaaaay!" Sapo-sapo ko yung butt ko.

@__#! Naman oh!

Itulak ba naman ako ni Cow girl sa sofa na KAHOY!

Argh!

Pumalibot sa akin sina Pam, Neri at cow girl.

Para silang mga bully. Waaaaaaaaaaaah! At ako ang binubully nila!

TToTT Ang sakit pa din ng butt ko.

Pare-pareho silang nakahalukipkip.

=___= "Wag mo ngang istorbohin si Sir Kelvin!" Pam

"Nagpapahinga siya kaya wag mo siyang pupuntahan sa kwarto niya!" Neri.

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon