Chapter 13

59.5K 1K 16
                                    

Gelo’s POV

                It’s been a week since Elle’s father, more or less, dragged her out of my place. Para akong masisiraan ng bait dahil wala siya. Di rin siguro niya ako matawagan gamit telepono. Fuck. I need to see her. Pumasok ako sa kwarto at pinuntahan at binuksan ang vault sa tagong bahagi ng closet ko.

                I took out the small black box holding the ring I was supposed to give her. I wonder if I still have the chance to give this to her. Ni hindi ko pa nga napagplanuhan kung paano ko too ibibigay sa kanya, kinuha na siya ng Dad niya.

                 Biglang tumunog ang doorbell. Sino naman kayang maghahanap sa akin ng ganitong oras dito sa unit ko. People usually look for me in the office. Alas singko pa lang ng hapon kaya ang akala ng kung sino mang naghahanap sa akin ay nasa opisina pa ako.

                Inilagay ko muna ang kaheta sa bulsa ko at tinungo ang pinto. Ewan ko ba kung matutuwa ba ako sa nakita ko madismaya. Di ko naman inaasahan na si Elle ang pagbubuksan ko ang pinto pero di rin sila ang inakala kong naghahanap sa akin. Minsan na lang kasi kami magkita ng mga gagong to.

                “Gelo! Ang aga mo yatang umuwi ngayon!” sigaw halos ni Jake. Pumasok siya diretso at sumunod naman si Chris at Tristan. Hinawakan niya ang noo ko na tila tinitingnan kung may lagnat ba ako.

                Marahas kong inalis ang kamay niya sa ulo ko. “Ano bang problema mo? Wala akong lagnat, gago!”galit kong sabi.

                Kumunot naman ang noo ni Tristan sa inugali ko. “Talaga wala kang sakit? Ang init ng ulo mo eh. Tsaka ang haba na ng sinabi mo kahit wala pa kaming tinatanong,” sabi naman ni Tristan. Pinagloloko yata ako nito eh. Ganun ba ako kadalang magsalita para magtaka siya ng ganyan?

                I put my hands in my face out of frustration. This is the last thing I need right now. “What are you guys doing here anyway?” I asked, glaring at them.

                “We’re starting to worry about you. We kept calling you starting last week but all we get is voice mail. We called your office but you’re always unavailable, which we know for a fact that only means you don’t want to see anyone. Even us,” Chris explained calmly.

Hot Affair with the Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon