Chapter 4

118K 1.6K 24
                                    

Gelo’s POV

I had a business meeting with some of the managers in my business interests outside the bank. Dito na lang ako nakipagkita sa kanila since tapos na ang office hours and I don’t want to face the confines of my other office. Halos mapabayaan ko na kasi ang ibang negosyo ko dahil sa pagkakaabala ko sa banko. My Father doesn’t know that I have other properties outside the bank, which is our family business. Kami kasi ang may-ari sa isa sa pinakamaliking bangko sa bansa.

Kanina pa salita ng salita ang mga isa sa mga empleyado ko pero halos wala akong marinig. I focused my attention on Elaiza who was also in the restaurant. I saw her arrive with her parents and shared the same table with a guy around our age. Nakita ko ang mga pilit na ngiti sa mga labi ni Elaiza. From what I barely heard from their conversation, the guy was a new business partner of Elaiza’s dad. At mukhang gusto ng ama ni Elaiza na magkaroon ng higit pa sa pagkakaibigan ang mamagitan sa kanilang dalawa.

“Sir? Sir?” halos isigaw ng isa sa mga empleyado ko. “I hope you don’t mind me asking sir, but did you hear what I just said?” iritado niyang tanong. I just nodded absentmindedly.

“Yes, that’s enough for now. Thank you. You may all go,” I said while still staring at Elaiza. I know its rude to just dismiss them that suddenly, pero wala na akong magagawa. I don’t have the patience to deal with business right now. Nakatuon lang kay Elaiza ang atensyon ko. Tahimik namang tumayo at umalis ang mga kasama ko. I don’t give a damn if they’re pissed off at the moment.

I hate how Elaiza’s parents left her with them. And I hate how the guy stares at Elaiza. Kakakilala pa lang nila, kung makatitig siya kay Elle, para bang pag-aari na niya. What were her parents thinking leaving her with that creep?

Di ko napigilan ang sarili ko. Tumayo ako linapitan si Elaiza at ang kasama niya. Mukha naman tuluyan ng umalis ang mga magulang niya. I saw the shock register in her face upon seeing me. Hindi pala talaga niya ako nakita kanina. Hinawakan ko siya sa braso at pinatayo. Tumayo naman ang kasama niya at halatang hindi nagustuhan ang pagkahawak ko kay Elle na tila pag-aari ko siya. Di niya alam na mas may karapatan ako kay Ellle kesa sa kanya.

Hinalikan ko si Elle sa pisngi, malapit sa tenga. Napasinghap si Elle sa ginawa ko at nakatingin pa rin yung kasama niya sa amin. Di ko rin inaalis ang tingin ko sa kasama niya. Hinapit ko sa baywang si Elle at pinalapit sa akin. Inilahad ko ang kamay ko sa kasama niya at nagpakilala. “Angelo Smith, pare,” sabi ko.

He smiled at me vaguely and accepted the hand I offered. As if knowing what I was up to. “Zach Mendoza,” he said simply.

I put a stray lock of Elle’s hair behind her ear, and caressing her face, making it look more intimate. “Kung pwede sana ay kukunin ko na si Elle. Our friends decided to meet up somewhere and they told me to get Elle since di siya macontact kanina,” pagpapaalam ko. Subukan lang niyang di pumayag, magkakagulo talaga kami.

Hot Affair with the Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon