Chapter 18-Back to Hazu Paradise

5K 158 0
                                    

Nagpaiwan ako sa classroom at nauna na ang tatlo gusto ko kasing pumunta sa library dahil ayaw ko mag mukhang tanga na walang alam dito sa Mizo World at gusto ko magbasa ng spellbooks.

Nasa labas na ako ng building naglalakad papunta sa library ng may nakita akong bruha na nakapameywag sa akin.

"Anong problema mo at nakaharang ka sa dinadaanan ko kelly?" Oo si kelly na bruha

"Ikaw ang problema ko malanding babae ng dahil sayo hindi ako pinapansin ni aki" galit na sabi niya

Oh anong paki ko? Pakihanap ang paki ko. Lagi na lang nito sinisira ang araw ko.

"Problema mo na yon don ka kay aki mang istorbo may gagawin pa akong importanteng bagay" sabi ko at nilagpasan na siya pero hinila ako braso

"Wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita wag kang bastos" naiinis niyang sabi

"Pwede ba kelly wala ako sa mood makipag usap sayo oh eto isang sike(piso sa mortal world) bumili ka ng kausap mo" sabi ko sa kanya at nakita ko naman na lalo siyang nagngingitngit sa galit

"Inuubos mo talaga pasensya ko ha. Hahaha sabagay yun tatlong kaibigan mo lang naman na prinsesa ng tribo ang kaibigan mo hahaha napalayo ko ang mga royalties sayo. Akalain mo yon mga uto uto sila mga bobo napaniwalang ikaw ang nanakit sa akin? Pero ang totoo ako ang unang umatake sayo hahaha" sabi niya na tumatawang demonyo

"Oh masaya kana? Mag celebrate na ako?" Sabi ko sa kanya

"Kung sasaktan kita ngayon pwde kong sabihin sa kanila na prinotektahan ko lang ang sarili ko hahaha" sabi niya at may nilabas siyang latigo na may tinik at may itim na usok.

Mukhang may poison to kelangan hindi ako matamaan nito. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari pag natamaan nito.

"Natatakot kana ba hahahaha" sabi niya ngumisi naman ako

"Oo takot na takot mukha mo palang nakakatakot na hahahaha" pang aasar ko sa kanya nakita ko na napikon siya at bigla siyang umatake buti na lang naiwasan ko to.

Nagulat na lang ako may tumamang fireball ice spike sa gitna namin nang nilingon ko to ang mga royalties

"Narinig namin ang pinaguusapan niyo simula umpisa" malamig na sabi ni arriane

"Pano mo nagawa sa amin to kelly?" Lorie

"Napakasama mo hindi na ikaw ang kilala kong kelly"bea

"Subukan mong saktan si crystal ako ang makakalaban mo" pagbabanta ni aki

Kinilig naman ako don hehehe

"Mahal mo talaga siya ha kaya hindi mo ako magawang pansinin" sabi ni kelly at bigla na lang ako inatake kaya nadaplisan ako ng latigo niya

Napaluhod ako parang hinihigop nito ang enerhiya ko . Matutumba sana ako pero sinalo ako ni aki

Dug dug dug kay aki ko lang to nararamdaman

"Dadalhin ko na si crystal sa Clinic. Guys kayo na bahala kay kelly" sabi ni Aki

Binuhat na niya ako nagteleport na kami sa clinic at nawalan na ako ng malay

*Prince Clayford's POV

Nabalitaan namin sa royalties kung ano ang nangyari kay crystal kaya napasugod kaming tatlo sa clinic

Pagbukas ko ng pinto nakita ko na walang malay si crystal at hinahaplos ni aki ang buhok nito

Hinila ko sa braso si Aki at tinulak ko sa pader

"Anong problema mo pre" aki

"Ikaw pwede ba lumayo ka kay crystal dahil sayo nakaratay siya diyan ikaw ang dahilan" galit kog sabi sa kanya

"Layuan niyo na si crystal dahil sa inyo napapahamak ang kaibigan namin" eireka

"Mas mabuti pang umuwi kana muna aki"-ashely

"Aalis ako pero babalik ako hindi niyo ako madidiktahan" sabi ni aki at lumabas na

Tinignan naman ako ng dalawa

"May gusto ka ba kay crystal?" Tanong ni eireka

"Wala" cold kong sagot

"Dapat lang alam mo naman ang sinumpaan natin tatlo" ashley

———————————————————————

Sa haZu Paradise

Naglalakad ako pero wala akong makita kahit sino pero napakaganda ng lugar na to para ngang familiar

Patay na ba ako? Huhuhu bwisit ka kelly latigo mo lang nakapatay sa akin huhuhu

"Helloooooooooo hellloooooooooo" sigaw ko baka may tao dito eh

"Ay anak ng tinapa" gulat ko dahil biglang may lumitaw sa harap ko

"Gusto mo ba magkaroon ako ng sakit sa puso ano ka ba pinaglihi sa kabute basta basta na lang sumusulpot

"Nagkita ulit tayo princess" nakangiting sabi niya sarap pakinggan ng boses niya ang ganda parang siya lang din

"Ulit? San ba to ? Sino kaba?" Sunod sunod na tanong ko

"Ako si Goddess Ishna. Nasa Hezu Paradise ka kung saan nakatira ang mga goddesses katulad ko" sabi niya

"Goddess? Omg bat naririto ako? Anong ginagawa ko dito? Patay na ba ako?" Tanong ko sa kanya

"Andito ka para magtraiining ibibigay ko ng buo sayo ang 6 elements ang air,fire,water,earth,ice at light kaso isang araw ka lang magtre training dito dahil may war kami dito sa taas kalaban namin ang masasamang goddesses tulad namin" sabi niya

Nakita ko na lang na nagliwanag ang katawan ko ang init nito at nararamdaman kong malakas ito at anytime pwedeng magpalabas ng kapangyarihan.

Tinuruan ako ni goddess sa combat training pati pag gamit ng elements at biniyayaan niya ako para ma memorize ko lahat pati ang mga spell

Nakakapagod napaka strikto niya huhuhu nagugutom na ako 30 minutes lang pwede magpahinga gusto ata ako ma chugi nito eh.

BOGGGGH BOOGGGGGGSSSSSSHHH

Narinig kong malakas na pagsabog kaya napahinto kami sa pagtre training hindi ko mapuntahan yun dahil may barrier na ginawa si goddess ishna limitado lang dahil itong training ground namin ni goddess ako pwede makapunta.

"Andito na sila Princess kaya kelangan mo ng bumalik sa Mizo World tandaan mo wag ka basta basta magtitiwala. Yun mga tinuro ko tandaan mo yan ha. Pumanig ka sa kabutihan hindi sa kasamaan alam kong hati ang dugo mo pero may tiwala ako sayo na sa kabutihan ang pipiliin mo"

"Anong ibig mong sabihin goddess?" Nalilito kasi ako ano hati ang dugo ko? Tsss

"Wag nang maraming tanong" sabi niya at pinitik niya ang noo ko pakiramdam ko nasa kawalan ako paikot ikot nawalan na ako ng malay

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now