Chapter 16

4.5K 157 2
                                    

*Prince Yuki's POV

Nasa Cafeteria kami hindi namin kasama si Kelly pinatawag kasi siya ni HM

"Sa tingin mo si crystal talaga ang nauna?" Tanong ni Ken

"Nakita mo naman diba kinawawa niya si Kelly" sabi ni Arriane

"Pero hindi natin nakita kung sino ang nauna totoo ang sabi ni crystal hinusgahan natin siya agad" sabi ni Aki

"Tama na nga aki alam ko naman na may gusto ka lang kay crystal kaya kinakampihan mo siya" inis na sabi ni Bea

"May point naman si aki" sabi ni Aldrin

"Kelangan natin malaman ang totoo" sabi ni Yumi

Napatigil kami ng makita namin si crystal kasama ang bago niyang tropa nagtatawanan sila ngayon lang namin nakita si crystal tumawa kasi pag kami kasama niya tahimik lang siya.

Nasa katabing side namin sila kasi puno na ang ibang table kaya akward

"Crystal sama ka sa amin bukas mag mall tayo 4 days naman tayong klase ehh" narinig kong sabi ni Ashely at tumango naman si Crystal

"Totoo ba yong kwento mo crystal nagka amnesia ka pala?" Narinig kong sabi ni Eireka

Si crystal nagka amnesia? Hindi niya kinuwento sa amin yon ah. Ang daya sa bago niyang tropa nagshe share siya napansin ko naman si aki na naiinis kasi magkatabi si Clayfor at crystal

"Yeah 3 months akong comatose dinala lang ako ng pixies dito nakita ko sila sa gubat" sagot naman ni Crystal

"Crystal may dumi ka sa pisngi wait punasan ko" sabi ni Clayford

Dumadamoves din talaga tong si Clayford.

Nakita namin na nakayukom ang kamay ni aki tatayo sana siya pinigilan na namin. Iba talaga magselos tong si Aki.

------------------------
*Princess Yuri/Crystal's POV

Nakauwi na kami sa Dorm bumili na lang kami ng pagkain hindi kami makikisabay sa mga royalties dito kami sa kwarto ko kumain.

After namin kumain bumalik na si Clay sa kwarto niya sila ashley naman magpapahinga na

Ako naman gusto ko lumabas at magpahangin nakita ko si Aki sa Sala nagiisa

"San ka pupunta?" Tanong niya

"Pakialam mo ba?"inis na sagot ko sa kanya

"Masaya ka talaga kay Mukhang paa tuwang tuwa ka habang pinupunasan ka niya sa pisngi mo tsss" naiinis na sabi niya

Pagkatapos niya akong pagsabihan ng masasakit na salit taoos may gana pa siyang magsabi ng ganyan

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ako sa dorm at naglakad lakad ayaw ko na siyang patulan baka ano pa magawa ko

Nasa field ako humiga ako sa Damuhan at pumikit may narinig akong nagsasalita

"Yuriiiiii"

"Princess yuri maligayang pagbabalik"

"Princess yuri salamat bumalik ka na"

Dumilat ako at tumingin tingin sa paligid wala naman

"Sino kayo? Magpakita kayo" sigaw ko pero walang nagsasalita

Bakit tinatawag nila akong princess yuri? Tss baka guni guni lang yon makauwi na nga

------------------------

Someone's POV

Hahahaha wala kayong ka alam alam royalties na malapit lang ako sa inyo. Matitikman niyo ang paghihiganti ko hahahaha

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Where stories live. Discover now