Chapter 36. [I like you]

90.3K 1.7K 170
                                    

Emeged naeexcite na ko sa storyline ko. Emeged. Hahaha. Eto na update. Dedicated to her, hi sissy. Thank you sa mahabang comment katouch :)

--------------------------------------

BLAKE'S POV

Alam kong tense na tense si Chris. Oo, ganun rin kasi nararamdaman ko.

Wag mong sabihing narinig ni Kaycee yung pinag-usapan namin? Shit!

Hindi pwede. Kung kailan ititigil ko na dahil alam kong importante sakin si Kaycee. Hindi pwede!

Seryoso lang ang tingin samin ni Kaycee ng lumapit siya.

"Kaycee, kanina ka pa dyan? Narinig mo ba pinag-uusapan namin?" tanong ni Chris.

"Ha? Wala. Bakit? May dapat ba akong marinig?" tapos tinignan niya ko.

"Ah, wala Kaycee. Wala. About the band lang yun." ngumiti ako. Relief washed through me.

Buti na lang hindi niya narinig. Kung hindi, patay na. Shit!

"Ah, sige. Maiwan ko na muna kayo. Puntahan ko lang yung dalawang gunggong." sabi ni Chris.

Nagkatinginan kami ni Chris. Yung tingin niya na nagsasabing papalagpasin niya 'tong pagkakataong 'to. Na parang sinasabi niya sakin na kailangan kong ayusin 'to or else...

Tinago niya yung planner sa may gilid niya saka tinignan si Kaycee sandali. Pero umalis na siya.

Leaving me alone with Kaycee.

Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko na ba ang totoo?

Kung sinabi ko na sa kanya ang totoo. Magagalit siya sakin.

Kung hindi ko pa sasabihin sa kanya ang totoo. Hindi siya magagalit.

Pero alam ko naman na malalaman at malalaman niya rin yun.

Ayokong iwasan niya ko. Ayoko. Kaya hangga't maaga pa, sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Magpapaka-lalaki na ko.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon