Chapter 30. [Problem?]

92.1K 1.7K 164
                                    

Dedicated to Ate Christine (soujin_28) na laging sinusuportahan itey! Mwa mwa! I love you ate sis!

------------------------------------

KAYCEE'S POV

TAGAYTAY: FIRST DAY

"Whoo! Grabe ang hot mo babe! Whoo go!"

Kung pwede ko lang itulak 'tong maingay na babae na 'to sa beach, ginawa ko na.

Grabe naman kasi! Ang ingay-ingay! Ako nga di na nagsasalita eh, nagshushoot kaya sila Blake ng MV nila!

"Kim, wag ka namang sumigaw. Nakakahiya at nagshoshoot sila oh."

"Sus. Pakielamanan mo na lahat wag lang ako maid! You don't know me!"

Psh. Kakairita talaga 'to!

Kakarating lang namin pero di na kami nakapag-ayos ng gamit. Kailangan na daw kasing i-shoot ang scene na 'to sa MV. Yung basaan ng mga guys. Kasi tamang-tama daw ang oras at papalubog na ang sun.

Eh kaso, etong si Kim. Kanina pa talon ng talon! Kung alam niyo lang nangyari kanina sa van.

Flashback

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Blake kay Kim.

"Bakit? Masama bang sumama at isupport ang babe ko?" lumapit siya kay Blake at niyakap ito ng mahigpit.

Teka, ex na siya ni Blake diba! -_-

"Kaycee, lika na mauna na tayong pumasok." sabi ni Chris sabay hila sa kamay ko.

"T-teka lang..." napatingin ako kay Blake na hawak pa rin ang kamay ko. "Blake, mauna na kami ni Chris. Yung kamay ko."

Hindi nagpatinag si Blake, tinulak niya papalayo si Kim at lalong hinigpit ang kamay ko. "Sige na, mauna na tayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Teka lang. Tinignan ko si Chris.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon