<3 >>24 I will do anything

1.2K 6 2
                                    

Ross Pov

Hindi ko makayang makita siyang naghihirap at samantalang ako ay walang magawa kundi panuorin siyang naghihirap sa nararamdaman niya kaya umalis nalang ako dahil hindi rin naman ako makakapasok dahil ang sabi ng nurse ni Aye na si ate Liz ay ayaw daw ng pasyente na may nakakakita sa kanya na naghihirap.

Di ko na rin kaya ang mga nakikita ko at ang pagsigaw niya sa sobrang sakit nun. Habang nakikita ko siya at naririnig ang mga paghihinagpis niya ay kasabay ng pagkadurog ng puso ko dahil para akung lumpo na wala man lang magawa sa kanya kundi panuorin siya.

Umalis ako sa labas ng room niya at hinanap ko ang doctor ni Aye. Nalaman ko na dati pa pala alam ni Aye ang sakit niya pero dahil hindi siya naniniwala mas pinapaliwalaan niya ang sarili na ang sakit lang niya ay ulcer hanggang daw na ilang hospital ang pinuntahan nito at in the end they have the same result. Medyo malala na daw ang sakit nito subalit she can survive if she will take the transplant.

"Doc. Kung may paraan pa bakit di niyo pa ginawa? bat pinaabot niyo pa na magkaganon ang pasyente niyo!" pagalit kung sabi.

"Hijo. We cant do a transplant without her consent. Saka ang pasyente ay nawawalan na ng pag-asa kaya di namin siya matulungan"

"Hindi ganon si Aye! Matapang siya kaya bakit siya mawawalan ng pag asa? Naglolokohan ba tayo dito huh doc?" Sabay kwelyo ko sa doc.

"Huminahon ka mr. Walang magagawa kung magiging ganyan ka. Kahit patayin mo ko. Walang magbabago na may sakit pa rin siya" doc. Napabitaw naman ako sa kwelyo ni doc dahil tama siya.

"Doc. How can you say na nawawalan na ng pag-asa ang mahal ko? Hindi niyo ba alam na di lang siya ang naghihirap dito? ako rin, kami ng parents niya. Di namin kayang mawala siya sa amin lalo na sa akin dahil siya ang buhay ko!"

"naiintindihan kita. Pero ano magagawa kung doctor kung nawawalan na siya ng kumpyansa na gagaling pa siya? Isa lang akong instrumento na kayang tumulong sa mga taong may sakit."

"Doc? naririnig mo a yang mga pinagsasabi mo? Gawin mo ang lahat ng possible way just to cure her illness. I will pay in any amount! Just prolong her life" nagmamakaawang sabi ko sa doctor.

Hanggang sa nag-usap kami at natapos.

Nasa hospital lang ako buong magdamag at nakatanaw sa kanya sa malayo at ng magkaroon ako ng chance na makalapit sa kanya na di niya namamalayan e ginawa ko na.

Nasa tabi niya ako at syempre kung sakaling magising siya di niya ako makikilala dahil may mask ako na ginagamit ng mga nurse at nagsuot ako ng parang sa nurse para di siya magtaka kung bakit nasa kwarto niya ako.

Tinititigan ko lang siya at masasabi ko na pumayat talaga siya. Kita kung naghihirap siya kahit natutulog. Lumalaki na ang eyebag niya. Di ko maatim na ang pinakamamahal ko ay nadapuan ng sakit na pwede niyang ikawala. Kung pwede lang ipasa ang sakit, taos puso ko tong tatanggapin ang kaso hindi e.

Kusa nang tumulo ang luha ko at di ko na napigilan. Hinawakan ko siya sa kanyang mga kamay. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin pag nawala siya. Pero ang alam ko lang ay pag nawala siya. Mawawala rin ako.

SA di ko nacontrol na emotions ko ay tumulo ang luha ko sa kamay niya at dahil doon nagising ko siya.

"MR?" Aye

"So-sorry" sabi ko na medyo iniba ko ang boses ko.

"asst. ka ba ni ate Liz? Wala na naman ba siya? Inatake nanaman ba yung kapatid niya ng asthma?" sunod sunod na tanong nito.

"A hindi. Napapasok lang ako sa room mo."

"A ganon ba? Siguro naaawa ka sa akin no? Kaya ka pumasok dito." malungkot niyang sabi. 

"H-hindi naman sa ganon. Sige a-alis na po ako. Pagaling ka a" sabi ko na nagkukunwari ulit.

"Ross." napatigil naman ako sa paglalakad ko sa narinig ko. Alam na ba niya na ako to? Napatingin ako sa kanya.

"Ang pangalan ng taong mahal ko. Alam mo ba nakikita ko siya sayo? Kala ko nga ikaw siya e." dugtong niya.

"Kung namimiss mo siya bat di mo siya tawagan para dalawin ka niya dito?"

"Hindi pwede. Ayokong malaman man ng nino man na malapit sa buhay ko na may ganito akong karamdaman at kung malaman man nila na meron akong sakit at natagpuan nila kung nasaan ako. Magpapakalayo ulit ako. Malayo sakanila dahil alam kung lalo lang sila masasaktan" di ko nanaman mapigilan ang sarili ko. Napapatak nanaman ang luha ko.

"Naiiyak ka? Baka pag si Ross ka. Hahagulgol pa yun na parang bakla" siya na napatawa. Tama siya gusto kung humagulgol pero pinipigilan ko lang kaya nagpaalam na ko sa kanya at nilisan na ang room niya at sa labas ng room niya umiyak at napasuntok sa pader.

Ng makarecover ako sa sakit na nararamdaman ko ay tinawagan ko ang pamilya niya at ipinaalam na nakita ko na siya at binalita ko rin ang malubha niyang sakit na ikinaiyak ng lahat. Gusto nilang makita si aye kaso pinigilan ko sila dahil sa tinuran ni Aye kanina, alam kung gagawin niya kung ano man ang sinabi niya. Hindi pwede na lumayo siya ulit lalo na may sakit siya..

"Ross. Ano ang gagawin natin? Ayaw niyang ipaalam sa atin" tita

"Ewan ko po tita. But i will make sure that i willl do all things just to heal her"

"Magpahinga na po kayo. PAki sabi na rin kay tito na malalagpasan natin to ta" ako at binaba ko na.

>makalipas ang 1 month<

"Doc wala pa ring liver na tumutugma sa pasyente. Kahit ang mga magulang niya di pwede" sabi ni doc (waa! sorry if may wrong info about sa liver cancer a. Im not familiar kasi e)

"wala pa rin po bang magdodonate?" ako

"wala po. Mahirap po kasi makakuha lalo na't madaming nangangailangan rin"

"Subukan niyo kung ipatest baka pwede ang akin" sabi ko.

"Sige. Ngayon din ipapatest na natin dahil natatagalan na tayo sa paghahanap at kasabay nun ang paglala ng karamadaman niya kaya dapat magmadali na tayo."

Matapos ang 2 weeks nalaman na ang resulta at match kami at hanggang dumating na ang oras na ooperahan na kami. Transplant of liver.

Nakita ko siya na wala ng malay at nakahawak ako sa kamay niya at unti unting nawawala na ang ulirat ko hanggang sa pinaglalayo na kami sa isa't isa.

"Let's begin na operaton" sabi ng doctor hanggang na wala na kung malay at ang malaling ilaw na nakatutok sa akin ay nawawala na dahil sa epekto ng anesthesia.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Last chapter nalang matatapops na.
Maging succesful naman kaya ang operation?

I hope so.

Sana happy ending .

sorry sa wrong type.

type and publish kasi agad ako e. 

L.O.v.E (the second time around) |FIN|Where stories live. Discover now