<3 >> 22 why aye

1.2K 6 3
                                    

Ross pov 

Nung hinabol ko siya at di ko siya nakita, parang gumuho ang aking mundo ng maisip ko na iniwan niya na ko. Paano ako mabubuhay nito kung siya ang buhay ko. Paano ako makakamove on kung siya ang laging laman ng puso't isip ko?

Bumalik ako sa condo at pinanuod ang video ni Aye na iniwan sa akin.

"Hoy pangpatay na bulaklak! Ang tagal tagal mong maligo! Paniguradong pinaghahandaan mo talaga ang date natin at happy ako dahil doon. Gawin nating masaya ang date natin mamaya a dahil last nan yun. Alam mo ba na masaya ako ngayon dahil makakasama kita buong araw kaya ikaw dapat maging masaya rin dahil gusto ko masaya tayo bago ako makipagbreak *sniff*. Ano ba yan halatang inlove na ko *sniff* sayo. Itong luha na ang proweba o iniiyikan ko na hindi na tayo pwede hanggang dulo pero wag kang mag-alala dahil ikaw ang una at huli kung iibigin at sana pagwala na ko sa buhay mo humanap ka ng perfect na di gaya sa akin na amazona. Pero pede wag nalang? *sniff* ano ba tong pinagsasabi ko. Kalimutan mong sinabi ko na ako nalang kasi hindi pwede. Mahal na mahal kitang pangpatay na bulaklak ka kaya sana tandaan mo yun kahit di na tayo. Paalam"

Sa lalong napanuod ko lalo ako napagulgol. Agad akong naligo at pummunta sa bahay nila Aye baka sakali na nadoon pa siya. Hindi pwede na wala akung gawin na ganito at kailangan kung malaman kung bakit niya ako break na mahal niya naman ako. Ano ang nasa likod nito na makapagsasakit sa akin? Buntis siya sa ibang lalaki? Tatanggapin ko pa rin siya kung ganoon pero malabong mangayari na ganon ang nasa likod nito dahil kilala ko si Aye. Di siya disgrasyadang babae.

Sa bahay nila 

"Ross" sinalubong ako ni tita habang umiiyak

"Ba-bakit tita? Wa-wag niyong sabihin na wala rin dito si Aye?" ako na maiiyak ulit at halata pa ang mata kung namamaga

"Iniwanan niya kami ng video. Sabi doon wag na daw namin siya hanapin dahil nasa ligtas siyang kamay at lagi raw naming isipin na mahal na mahal niya daw kami. Ross anong nangyayri sa anak ko? Bakit siya nagkakaganun?" Sabi ni tita na pinipigilan ang luha na pumatak ulit.

"hindi ko alam tita pero di tayo susuko sa paghahanap sa kanya. Di ako papayag na iwan niya tayo dito." ako at pinapatahan ko si tita at si tito naman ay inaalo si Gerald sa kakaiyak.

Days

WEeks

Months.

Wala pa rin kaming balita kundi sa isang sulat lang niya na di alam kung saan galing. Sinasabi doon na wag na daw kaming mag-alala dahil okay siya at Di niya raw alam kung makakauwi pa siya.

Ba't mo ba kami pinapahirapan ng ganito Aye? Ang daming nangungulila sayo dito. Ang daming nagmamahal sayo na tinalikuran mo. Ano ba ang nasaisip mo at ginawa mo to? Ang paglayo sa akin at sa pamilya mo?

Di mo ba naaalala ang sabi ko na para tayong lovebirds? na pagnawala ang isa ay malulungkot ang isa at dahil doon mamatay. Ganon ako ngayon Aye! Unti unti na kong mamamatay sa tuwing naiisip ko na wala ka sa akin. Na di ko man lang alam kung ano na ang nangyayari sayo.

Isipin mo naman kami please. Bumalik kana sa amin.

Lagi nalang ako nagkukulong sa condo. Umiinom ng walang humapay! I'm totally mess! I'm mess without you Aye so please comback! Hindi na nga rin ako nakakapasok sa office dahil sa pagkukulong ko. Paano ako magsisimula kung wala ka sa buhay ko? wala ang kalahati ng puso ko? Paano?

Please Aye magpakita ka na sa akin! Lord please help me to find my life! I can die if she is not here in my side!

Napatayo ako sa agam agam ko at napasuntok sa salamin at nagdudurugo na ang aking kamay at doon ko naisip na walang mapapala kung magmumukmok ako! Di ko siya lalong makikita kung nakatanga ako dito! Kahit 0.99% lang ang pag asa kung makita siya sa laki ng mundo hindi ako susuko!

Mahahanap kita Aye! 

L.O.v.E (the second time around) |FIN|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon