Chapter 16: AWWWWWKKWAAARRRRRDD.

161 5 2
                                    

|Stephen|

Kanina pa 'si Saffy sa loob ah. Ang tagal naman! Naflush na ba siya? (-__-)++

Pinagtitinginan na 'ko ng mga babaeng dumadaan. Kasi naman, ilan na rin ang pumasok at lumabas jan sa pintuang 'yan, wala pa ring Saffy. Aish!

"Erm, excuse me miss, may napansin ka bang babaeng naka-purple dress sa loob?"

"Wala akong napansin eh, siguro nasa loob ng cubicle."

"Sige, thanks."

10 minutes pa ang lumipas, wala pa ring Saffy. Nag-aalala na 'ko. What if she passed out? Pa'no kung nakahandusay na pala siya sa loob ng cubicle dahil nabagok? The hell.

Ano, papasok na ba 'ko?

"Miss, have you seen a girl wearing a purple dress inside?"

"No eh"

"You sure? Sige thanks."

"Yeah, if you want, check mo pa. There's no one else naman there kanina eh."

Wala nang hiya-hiya. Bahala na kung niloloko ako nung babae, si Saffy na 'to eh.

Isa-isa kong chineck lahat ng cubicles. Ay sh*t. Wala ngang tao. Saffy!! Saan ka naman nagsusuot?!

Natataranta na akong nag-ikot-ikot sa dancefloor, nagbabakasakaling nandun si Saffy. Aish! Medyo lasing pa naman 'yun!

Maya-maya, parang may nakita akong babaeng nagsasayaw sa gitna. Napapalibutan siya ng tatlong lalaki. T*ng*na! Ang lapit ng mga loko kay Saffy! Mga g*go.

Hinila ko si Saffy mula sa pagkakadikit sa kanila.

BOOOGSH!! (Poorita SFX. Sorry na.)

"Pare anong problema mo?!" Tanong nung kasama ng lalaking nasuntok ko. Tulog eh. Galing ko talaga!

"Eh ulul pala kayo eh! Binabastos niyo 'yung kasama ko!" BOOOGSH!!

"G*go 'to ah! Inambaan niya ako ng suntok. Syempre nakailag ako!

"Huy! Bawal 'yan dito! Dun kayo sa labas!" Sigaw ng bouncer. May dalawang lalaking malaki ang katawan na lumapit sa amin. "Dun kayo magbugbugan!"

"Sir, ano problema dito?" -- Angelo

"Kilala mo ba 'tong mga 'to? Umalis na kayo, bawal magsuntukan dito!"

"Sila lang po kilala ko sir, sige na po, ako na bahala sa kanila." Hinila kami ni Angelo. Si Saffy, eto. Bangenge.

"Hindi pa tayo tapos, ulol!" Sigaw nung lalaking nailagan ko ang suntok. Sinundan ko siya ng masamang tingin. Mas ulol ka g*go!

Pumara si Angelo ng taxi.

"Ano nangyare? Dayo lang tayo dito dude. 'Wag ka manghahamon ng away!"

"Tss. Binastos ng mga mokong na 'yun si Saffy! Mga g*go!"

"Kalma. Bayaan mo na. Oy Saffy, 'wag kang susuka ah!"

Namumutla si Saffy sa tabi ko. Parang medyo natauhan na din 'to.

"Stephen."

"Oh?"

"Sorry.. *hik* nasuntok kita. Sabi ko sa'yo hindi mo kaya eh. Pwede akin nalang yun? *hik* Ako nalang kantaha mo nyan. Sasabayan pa kita *hik*." Sabay nawalan ng malay pagsandal sa upuan. Hindi pa pala natatauhan 'to.

"Ayos lang. Angelo, kape muna tayo. Parang hindi pwede iderecho sa bahay 'to eh."

"Okay, MR. PRESIDENT. Manong, saan po dito malapit na Starbucks?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Clueless [On-hold]Where stories live. Discover now