Chapter 15: Clearing things up? Nah, thanks.

112 2 2
                                    

|Angie|  

"Angie... Would you let me court you?"  

(O_O) Angie? Ako 'yun ah. EHHH?  

Ano ba naman 'to? Aish!!  

(-_-") Ahh..  

("-_-) Ehh..  

Anu gagawin ko? <( '^' )>  

Si Angelo.. 'Yung kamay niya hinihintay na ako.. Nakatayo siya diyan sa harap ko ngayon. 'Yung mga mata niya, parang sinasabing: 'wag mo naman akong ipahiya oh.' (_._")  

Kukunin ko na ba?  

Pero mali eh. Alam kong nasasaktan 'yung bestfriend ko. kahit hindi niya sabihin ng harapan sa'kin, alam ko na. Eh diba nga parang magkarugtong na bituka namin nyan?  

"Beshie.." Hinigpitan ko 'yung hawak sa kamay niya. Parang nanlamig 'yung mga kamay na 'yun na hawak-hawak ko.  

Uyyy.. Beshie naman eh. Ano gagawin ko? Alam ko naman nasasaktan ka eh. Kahit dim 'yung lighting halata ko naman na may nangingilid na luha na jan. Pero ano gagawin ko?  

"Go ahead." Sabi ni Saffy sa akin nang nakangiti. FAKE. Alam kong fake 'yang mga ngiting 'yan.  

Saffy... Nasasaktan ka na diba? Bakit hindi mo pa sabihin sa'kin? Ay, nge. Malamang hindi niya sasabihin sa'kin 'yan diba, marami ngang tao eh.  

Si Angelo pa huy.  

Kahit madilim ang paligid dahil nasa amin lang ang spotlight, ramdam na ramdam ko lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Ayoko naman ipahiya si Angelo sa ganito karaming tao. Bahala na nga!  

I stood up and took his hand. Kitang kita ang ngiti sa mukha ni Angelo. Music is still playing in the background, at niyakap niya ako. Naghiyawan ang mga tao sa paligid, lahat sila masayang-masaya . Wait, hindi pala lahat.  

Pagtingin ko kay beshie, her face is buried in Stephen's chest. Aakalain mo ngang magkayakap lang sila, parang 'yung ginagawa ng typical na couples. Pero alam ko, hindi ganun 'yun.  

Nagiguilty ako. ~T-T~ I'm sorry beshie.  

***  

After namin gumawa ng eksena at nakamove-on na rin 'yung mga tao, nagpaalam muna sa amin sina Saffy para pumunta sa may bar. Pipigilan ko sana eh, kaya lang feeling ko wala ako sa posisyon para gawin 'yun. Well, kasama naman niya si Stephen, she'll be safe.  

"Uy Angie, nakatulala ka." Huh? Ako? Nakatulala? Hindi ah.  

Okay, slight.  

"Anj, kausapin mo naman ako oh." -- Angelo  

"What's there to talk about?" Sorry kung matatarayan man kita. Pero hindi pa kasi ako nakakarecover sa ginawa mo kanina noh.  

"Ang sungit mo naman. Here," Sabay abot sa akin ng tall glass ng pink cocktail. Ininom ko nalang. Wala na 'ko sa wisyo mag-isip isip pa. Argh!! Nakakainis!! (>.<)  

Bakit nga ba ako naiinis? Aish!! Ewan. Basta nakakainis 'yung ginawa niya. Nakakahiya kaya. Una, pinagtitinginan kami ng mga tao kanina. Pangalawa, parang nacorner ako dun ah. Ano pa choice ko, diba? Kesa naman mapahiya siya, edi tanggapin ko nalang. Pangatlo, si Saffy. Waaah! Beshie!! (T~T)  

Ano nalang kaya iniisip nung babaitang 'yun? may pagkasensitive pa naman 'yun minsan.  

Alam ko naman na crush na crush na crush nun si Angelo eh...  

"Angie!!"  

"Ay Angie ako!" Nakakagulat ka naman Angelo eh! Anubeeh!  

"Kanina pa kita tinatanong, hindi ka naman sumasagot. Nakakatampo ka na ah." (_._")  

Clueless [On-hold]Where stories live. Discover now