Chapter 9: Alalay, Driver or.. What?!

171 6 2
                                    

|Stephen|

Nakarating na nga kami ni Alice ng matiwasay dito sa bahay nila Saffy. Actually, wala naman talga akong balak na dito kami magstay hanggang bukas eh.

Calling -- Angie

"Yoh"

"Uy Stephen!! Ready na ba kayo ni Alice for tomorrow? Tara tambay muna kayo dito!"

"Tambay?"

"Oo, tara na dali! Nuod tayo movie nila Saffy! The more the merrier!"

"Baket, sinu-sino na ba anjan?"

"Wala naman, ako, si Saffy, si sisterette, chaka si Angelo. Dito nga siya matutulog eh. Kami palang apat. Sige na punta na kayo ni Alice dito pleeeaaase."

"Okay sige."

"Yey! Bye!"

Ayun nga. Dahil kasama daw si Angelo (at dun pa matutulog) siyempre hindi naman tayo papadaig diba? Tsaka mahirap na, baka kung ano pa gawin nun kay Saffy nuh.

Buti nalang wala si mommy. Malamang kasi hindi papayag 'yun na magsleep-over kami sa ibang bahay 'pag andito naman siya, lalo kasama ko pa si Alice. Mahirap na paalamanan yun kung nagkataon.

Pero maitext na nga rin siya.

To: Mom

Is it okay? We'll be staying the night here at Saffy's. Sabay-sabay na daw po kami pupunta ng school tomorrow. Alice is having a great time with Amber.

From: Mom

That's a great idea. Wala naman din kayong kasama sa bahay. Who's Amber anyway?

To: Mom

Kapatid po ni Angie. They're both 15.

From: Mom

Ah, good. Have a great time Steve. Please take care of your sister.

To: Mom

Yes po. Send our regards to dad.

"Uy Stephen, turn na natin. Text ka ng text jan." -- Saffy

"Si mom."

"Ah, kayy. Ako nalang titira ah?" (^_^)

Katabi ko si Saffy sa sofa. Naglalaro kami ng scrabble, tag team. Me & Saffy, Angie & Angelo, Amber & Alice. Maggagabi na rin kasi, naka-dalawang movies na rin kami.

"Muggle? Beshie walang ganyang word dito sa dictionary!" (>_<) Bulyaw ni Angie kay Saffy. hawak-hawak niya 'yung Merriam & Webster's Encyclopedic Dictionary na parang 30 years ago pa ang issue.

"Anu ka ba, meron na 'yan sabi ni Encarta Dictionaries! Pang-caveman kasi 'yang dictionary mo eh."

"Nakita ko 'to sa kwarto mo eh. Iyo kaya 'to."

"Ay sa lolo ko pa po 'yan. Ahehe."

Kahit kelan talaga 'tong magbestfriend na 'to ang ingay 'pag pinagsama.

Makalabas na nga lang muna.

"Oh, 'pre san ka?" Pansin ni Angelo sa'kin nung nakita niyang papatayo ako.

"Lalabas lang, papahangin."

"Teka lang Stephen!" Si Angie naman 'yung nagsalita. "Tapusin lang natin 'to. Samahan mo na si Saffy bumili ng food natin."

"Okay."

Pumayag nalang din ako. Konti na lang naman 'yung tiles na natitira eh.

Maya-maya natapos na rin 'yung game. At nanalo kami! :D Actually si Saffy lang 'yung gumawa eh. Daming alam! Nanunuod lang talaga 'ko.

Clueless [On-hold]Where stories live. Discover now