Then fine (Two shots)

1.4K 57 8
                                    

"Sawakas inamin mo na din" -jin

"Eh alam ko namang kukulitin mo ako eh" paliko na kami sa street nila law ng pigilan ako ni jin

"May naisip akong plano tibs. Pagselosin natin si law"

"Ha? Pano? At tsaka wag na noh asa pang magselos yun eh ayaw niya nga sakin. Nagiiwasan pa kami ngayon. Hindi gagana yang naiisip mo kaya wag mo na ituloy." sabi ko

"Gagana to pramis. Sige na may hihingin din sana kasi akong pabor sayo"

"Ano?"

"Pagseselosin ko din sana si audrey. Alam mo naman na may gusto ako dun diba. At tsaka close naman sila ni law kaya madaling pagselosin silang dalawa.. ano payag ka?" at nagpuppy eyes pa ang gago

Sa totoo lang ang non-sense sakin nito para sakin. Bakit naman magseselos si law eh di niya nga ako type tapos kung makalayo pa siya parang ang baho ng hininga ko nung hinalikan niya ako. Kaya ayan tuloy linayuan ko na din siya. Bwiset naalala ko nanaman yang kiss na yan.

"Oh sige pero gagawin ko to para sayo. Hindi para sakin. Para lang magkatuluyan kayo nitong si audrey." napabuntong hininga ako

"Yehey! Thank you bestfriend" natawa nalang ako sakanya

"Magsimula na tayo ngayon ha" tapos hinawakan niya na kamay ko papunta sa bahay ni law

hay

Pagpasok namin nakita namin si audrey at si law na seryosong naguusap.

"Ayoko nga law. It won't work for me" sabi ni audrey

"Please audrey. Kahit today lang."

Tumango si audrey tapos napabuntong hininga. Hindi nila napapansin na nakatayo kami sa pintuan.

"Ehem.. ang seryoso ata ng pinaguusapan niyo ah?" singit ni jin sakanila. Napalingon sila at nagulat samin. Napatingin din silang dalawa sa kamay namin ni jin na magkahawak.

"Uhh tatawagin ko lang sila para makaalis na tayo" sabi ni audrey tapos umalis na.

Napatingin naman ako kay law at nakita kong nakatingin padin siya sa maglahawak na kamay namin ni jin. Hinigpitan ni jin ang kapit sa kamay ko kaya nagulat ako. Hindi ako sigurado kung nakita kong kumunot ang noo ni law.

"Bakit ka nakajersey shorts rob?" tanong ni law

"Oo nga haha hindi tayo magbabasketball" sabi naman ni jin

"Ha? akala ko b-" at tsaka ko lang naalala n magmamall nga pala kamo. Lintek na yan.

"Balik ka muna sa bahay niyo baka nakalimutan mo utak mo"

"Gago ka ba o gago?"

"Gwapo" cool na cool na sabi niya

Ugh nakakapikon. Onti nalang talaga mauubos n pasensya ko sakanya.

"Pre wag mo nang asarin si tibs lalong pumapangit eh" nakikisawsaw pa tong bespren ko. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napasigaw siya at natawa.

"Wag moking asarin kung ayaw mong di matuloy ang plano mo" bulong ko sakanya

"Hahaha oo na sorry na baves" kadiri talaga

"Kelan pa naging baves pangalan ni robin? tss" naririnig kong bulong ni law.

"Oh tara na guys sakay na sa van" yaya saamin ni vince. Siya kasi ang magddrive. Nagpuntahan na kami doon at sumakay. Magkatabi kami ni jin at magkatabi si audrey pati si law as usual. Pero ngayon nasa likod namin silang dalawa.

"Hohhh inaantok pa ako" sabi ko habang nahihikab pa. Kulang nanaman ako sa tulog.

Napapapikit ako at nararamdaman kong nalalaglag yung ulo ko sa balikat ni jin. Pero tuwing nalalaglag may nararamdaman akong sumisipa sa likod ng upuan namin kaya nagigising ako.

Then fine (two shots)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu