Special Chapter

5K 68 1
                                    

AUTHOR's POV

Nasa venue na ang lahat. Napagdesisyonang gawing private ang kasal ngunit pinapasok nila ang isang reporter at isang camera man para maipakita ito sa publiko kaya parang hindi na ito pribado.

Tumugtog ang kantang A Thousand Years ni Christina Perri nang humawi ang puting malaking kurtina na siyang nagsisilbing entrance ng groom, bride at iba pa. Ang venue ay nasa isang isla sa Palawan.

El Nido.

Pansamantalang hindi pinapapasok ng mga guards ang mga turista para sa pribadong kaganapan. Naiintindihan naman ito ng mga turista ngunit ninanais nilang panoorin ang kasal nila Yves at Yasmin.

'This is it. No backing out now.' -Yves

Nakangiti ngunit bakas ang kaba sa mukha ni Yves nang maglakad siya papasok. Mahaba ang aisle na lalakaran nila, mahigit twenty meters ang haba nito. Parehas niyang ipinulupot ang mga kamay niya sa braso ng mga magulang niya. Naglakad sila patungo sa altar at siya ang nasa gitna.

Nagpalakpakan ang mga tao at hinalikan siya sa pisngi ng Mom niya.

"I'm so proud of you, anak."

"Thank you Mom." At niyakap niya ang mga magulang niya.

"Take care of your girl." Nakangiting sabi ni Johan at tumango si Yves. Nagtungo ang mga magulang sa magkaibang direksyon dahil pinaghiwalay ang mga babae sa lalake tulad ng nakasanayan tuwing kasal.

Ang mga kaibigan nina Yves at Yasmin ay nandito rin, maging ang mga magulang ng mga ito. Kasama rin nila ang mga anak nila na kabilang sa mga flower girl at ring bearer. Ngunit sila ay kasalukuyang nakapila parin sa likod ng kurtina dahil sila ang sunod na maglalakad.

Si Michelle ang napiling Maid of Honor ni Yasmin at si Damon Paul naman ang napiling Best Man ni Yves.

Tumayo si Yves sa gilid ng altar at saka nakangiting pinanood na maglakad at magtapon ng mga petals ang mga inaanak niya.

Nang matapos na maglakad ang mga flower girls at ring bearer, bridesmaids at groomsmen ay saka sila umupo sa kani-kanilang upuan.

At dumating na ang pinakahinihintay ng lahat.

"My Bride." Mahinang bigkas ni Yves nang makita si Yasmin sa likod ng naglalakihang kurtina.

Kitang kita ang pigura ni Yasmin ngunit hindi kita ang mukha nito dahil sa veil. Ang suot na wedding gown ni Yasmin ay hindi nalalayo sa wedding gown ni Victoria Swarovski. Punong puno din ito ng mga crystals at talagang bagay na bagay sakanya ang wedding gown na ito.

Hawak hawak ni Yasmin ang bouquet at hindi mapigilan ang manginig.

Nang matapos ang A Thousand Years ay sunod na tumugtog ang Beautiful in White ng Westlife.

Ang lahat ay tumayo para silayan ang napakagandang Bride. Muling humawi ang puting kurtina at nagsimulang maglakad si Yasmin. Tumabi sakanya si Zachary na hinawakan ang bewang niya at si Yvonette na hinawakan ang kamay niya. Ang isang kamay niya ay hawak hawak parin ang bouquet.

'This is it.' -Yasmin

"My Groom." Mahinang bigkas niya habang nakatingin kay Yves.

Habang naglalakad si Yasmin ay inaayos naman ni Michelle ang gown niya. Part of being a Maid of Honor.

Ngumiti si Yves kay Yasmin na agad ding sinuklian ni Yasmin.

"She's beautiful, right?" Tanong ni Paul na nakatayo sa gilid ni Yves.

"Very beautiful." Nakangiting sagot ni Yves.

Matagal bago siya makarating sa harap ni Yves.

Kinuha ni Yvonette ang kamay ni Yves at saka ipinatong ang kamay ni Yasmin doon.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon