46

3.8K 81 1
                                    

AUTHOR's POV

Kinaumagahan ay nag dala nga ng ulam si Nicko sa bahay nina Ajax. Doon narin kumain si Nicko at sasabay daw siya sa dalawa patungong school dahil tinatamad daw siyang magdrive.

Tulad nanaman ng nakagawian. Kinuha ni Ajax ang bag ni Yasmin at naglakad na sila palabas ng bahay.

Pinagbuksan niya nanaman si Yasmin sa shotgun seat at kusa nang pumasok si Nicko sa back seat.

---

Bumaba silang tatlo sa kotse at nag lakad papasok sa University.

Sinalubong naman agad sila ng mga bulungan at hagikhikan.

"Kyaah! Who's that new cutie?!"
"Nicko my loves!"
"Nicko ang name? Nice!"
"Yes! HRM ang kinuha niya. And specifically, CHEF!"
"Masarap siguro siya mag luto!"

"Sikat ka pala Nicko." Sabi ni Yasmin sakanya at umiling na lamang si Nicko. May lumapit na isang lalake kay Ajax.

"Pinatatawag ka ni Dean." Sabi nito at napatingin si Ajax kay Yasmin.

"Ngayon na ba?" Ajax asked and tumango ang lalake.

"Hayss. Sabihin mo uwian nalang, ihahatid ko pa si Yasmin oh." Ajax said and umiling ang lalake.

"Importante daw. Kailangan ngayon na. Baka magalit si Dean, punta ka na." Sabi ng lalake at napa iling si Yasmin.

"Pumunta ka na. Kaya ko ang sarili ko. Besides kasama ko si Nicko papasok sa building. Kaso magkaiba na ang direksyon namin." Yasmin said and naka busangot na si Ajax.

"Sure ka ha?" Tanong pa ni Ajax at tumango si Yasmin.

"Mabait si Dean, don't worry. Hindi yun basta basta naga galit." Yasmin said and kinuha ang bag kay Ajax.

"Ingat. See you later." Sabi ni Ajax at lumisan na.

Naglakad sila ni Nicko. Nang makarating sila sa Main building ay tumigil silang dalawa at nagharap.

"Sige Nicko. Salamat." Sabi ni Yasmin at tatalikod na sana kaso biglang hinawakan ni Nicko ang wrist niya.

"Pwede naman kitang ihatid. Mamaya pa naman ang klase ko." He said and umiling si Yasmin.

"Kaya ko na. Sige na." Sabi ni Yasmin at tinanggal ang pagkakahawak ni Nicko sakanya.

Naglakad na si Yasmin patungo sa classroom niya.

"GIRLS! Did you hear the news?!"

"What news?!"

"Gosh! You are always not updated!"

"What is it?"

"Yves and Yasmin will be dating each other on Acquaintance Party!"

"REALLY?!"

"Yes! And look! Look at their bracelets! Gosh! It's gold!"

"Yah! That's unfair! Porket anak ng Dean ay gold na ang ibibigay niyang bracelet?!"

"Yeah right."

Napatingin si Yasmin doon. Tinaasan niya ng kilay ang mga naguusap.

"Will you please stop? Yves bought me this and hindi ito galing sa Dad niya."

"Ahh. Sorry. We didn't mean to--"

"Of course you didn't." Naka ngiting sabi ni Yasmin.

Napa ngiti na lamang si Yves sa narinig niya. Kanina pa siya nasa likod ni Yasmin at mukhang hindi siya napansin nito.

Searching For The Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon