[shot#3] : The team

34 2 0
                                    

Author’s Note

Sa mga nakakapansin nito, nagpapasalamat na ako.

Cindy’s POV

Abala kami ni Gabryle na naglilibot dito sa Physical Fitness Building, mamayang 1pm pa kaso ang simula ng klase namin sa isang subject. Bio, ang subject na halos magbigti na kami sa sobrang boring, nakikisabay kasi ito sa holy hour kong tawagin. Isama mo narin yung professor na parang nagnonovena kong magturo.

“so anong plano mo ngayon? Dapat makahanap ka agad ng extra curicular activity mo kong gusto mong maisalba ang scholar mo.”

Napabuntong hininga ito saka umupo sa may bench, tumingin sa malayo na tila ba naghihintay ng mga salitang lilitaw para sabihin niya.

Bilib ako sa kanya, sa tagal ng samahan namin halos lahat kinakaya niya. Ulila siya sa pamilya, at sarili lamang niya ang gumagawa ng paraan para mabuhay.

Ilang besis niya narin tinanggihan sina papa sa alok nitong pagkupkup sa kanya. Nakatira lang siya sa isang barong barong na pinamana ng magulang niya.

Minsan dalawang besis lang nakakakain ng isang araw minsan naman wala. Awang awa ako sa kanya.

                 *blunk blunk blunk* (tunong ng bolang tumatalbog papalapit sa kanila, wag epal version ko ito)

Sabay kaming napatingin sa isang bolang pumunta sa pwesto namin. Napakunot noo ako habang si Gabryle nakatingin lang sa bolang napahinto sa tapat niya dahil may sanga itong nabungo.

“Ito ang sagot.”

“Ha?”

Napatingin ako sa kanya. Nagsalita siya ng mag-isa habang nakatingin parin sa bolang yun. anong sinasabi niyang sagot? Weird.

“anong yan ang sagot?”

Nalilito ko pang tanong dahil hindi mahalughog ng utak ko ang mga linyang sinasabi niya, tumingin ito saakinsabay ngumiti.

What’s with the smile?

Na daig pa ang nanalo sa lotto.

“Hey, would you mind to throw that ball to us, where playing.”

Sabay kaming napalingon sa boses ng isang babaeng tumawag samin ng pansin.

Pati narin ang dalawang lalaki sa may bandang likuran niya na parang nag-aaway.

“your out of the line bro.”

“wag mokong englishin baka ikaw gawin kong bola.”

Nasa mga lalaking yun ang paningin kodahil nakakatawa silang pagmasdan, pero nakalimutan kong pinapaabot pala nung babae yung bola nila, aaktong titingin ako sa bolang gumulong mula saamin. Pero wala na ito, lumingon ako sa kinakaupnan ni Gabryle pero wala na ito. Ngayon, ang hulin sulyap ko ay pumako sa babae na kausap na ni Gabryle ngayon.

Ang lalaking yun basta basta nalang akong iniiwan.

Agad akong tumakbo papunta sa kanila. Pero bigla nalang sumalubong ang gma katagang ito saakin.

“Are you sure na gusto mo talagang sumali sa team?”

“Opo sasali po ako sa team niyo.”

Ngumiti ito at ako hindi ko maintindihan ang usapan nila. Ngunit isa ang umaalingasaw sa kukote ko ngayong sasali si Gabryle sa club nila. Pero hindi ko alam kong anong club na yun kaya sa pangalawang besis lumingon ako sa mga manlalarong nasa court.

May nakangiti

May kumakain

May nag-aagawan ng raketa

May nagbabatuhan ng bola

May nagpupush-up

At higit sa lahat may nakatingin na akala mo kong kakain ng tao.

“Teka Gabryle di ka naman marunong magtennis ha.”

Saka ko siya kinumpronta, ngumiti lamang ito at nakita ko sa lanyaang excitement at saya.

“Lahat naman ng bagay na nais mong matutunan eh makakaya mong matutunan kong doon ka masaya diba?”

Para siyang isang robot na nahypnotismo at nagayuma bigla sa hawak niya ng bola ng isang laro na minsan hindi naman niya masterpiece.

“Ano na luigi? Tunganga nalang tayo dito, gusto ko ng maglaro, bakit di nalang niya ibigay yung bola?”

Ani ng lalaking hindi ko namamalayang nasa tabi ko na, napagitla tuloy ako doon at nagkaroon ng gulat ang puso ko ng wala sa oras.

“Harold, maraminamang bola doon tyaka kausap ko ang new member natin.”

Parehas kami ni Harold na nagulat sa sinabi nong coach nila. Tanggap na agad si Gabryle dito? Ganon lang kadali yun?

“anong new member? Hindi panga natin siya nakikitang naglaro new member na agad? Hindi yata pwede yun baka matalo ang team natin.”

Reklamo nong harold, wow ha. anong tingin niya kay Gabryle patalo? Edi siya na magaling. Kahiya naman sa kanya. Mula sa paningin ko sa harold nayun lumpita agad ang mga mata ko kay Gabryle, hinihintay ang sagot niya.

“Lahat naman tayo dumadating sa point na nagsisimula tayo bilang isang noob, siguro pag natuto ako na magtennis magiging kasing galing niyo ako.”

“asa ka dre.”

Tapos bigla nalang nagkaroon ng tensyon sa kapaligiran. Nilapitan siya nong nagngangalang harold  and eye to eye, breath to breath siyang nakitapagyabangan kay Gabryle. Hindi na pinansin yun ni gabryle. Sanay na siya minsan sa mga ganitong eksena.

Pressure

Heat

And tension.

Yun yung mga word na nakapaligid dito sa building pero hinayaan lang yun ni Gabryle. Nagsisilapitan narin ang ibang member para umawat sa magsisimulang away.

“Harold bumalik ka na sa court.”

Napatigil ang lahat sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki na sa tingin ko pinakamatanda sa kanila.

Umalis nalang yung Harold na walang sinasabi. Bumalik ulit ang bussiness between That coach and Gabryle.

“See you in Court.”

Nagsimula naring naglakad yung Luigi papalayo. At masayang tumingin si Gabryle sakin.

“Narinig mo ba yun Cindy??”

“Oo may tenga ako e.”

Without emotions in my face. Hinarap ko siya, pero parang hindi siya natatamaan ng emosyon ko na nagsasabing, hindi ako interesado para diyan. Hindi ka belong diyan.

Pero kailangan kong itago ang paghadlang ko. Kailangan kong itago ang bawat letrang tumututol sa desisyon niyang sumali sa club nayon. Naalala ko pa, sabi noon ni Chona mga mafia ang mga nasa Tennis club. Mga taong walang minahal kundi Tennis. At natatakot ako, natatakot ako na baka..

Baka..

Makalimutan ako ni Gabryle.

“tara Cindy sa court.”

Natauhan ako sa sinabi niya. Napatingin at umiling.

“Hindi, ikaw na pumunta doon Gab. Alam kong kaya mo yan. Ikaw pa. Im so proud of you. Sige, kailangan ko ng umalis, may pinapakuha pala si Chona sakin, naalala ko.”

Bumalik ang mga ngiti niya. At ngumiti din ako sa kanya saka ginulo ang buhok ko.

“Para sayo to Cinderella.”

He started to turn back without hesitation. And my heart is now starting to..

Miss him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tennis Menace Series: [Book1] |Gardo|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon