[Shot #2]: Si bestfriend Cindy

46 2 0
                                    

Cindy’s Pov

Past nine na at patuloy paring umaaninag ang mga estudyanteng patuloy na pumapasok at lumalabas dito sa Cafe Bonita malapit dito sa university namin,

At past nine na wala parin ang gunggong na yun. Nangako siya sakin makikipagkita siya sakin ngayon, sa hindi ko malamang dahilan. Basta nalang niyang ginulantang ang inbox ng phone ko habang nagklasklase ako kanina.

Muli kong pinangbalingan ng pansin ang mga taong patuloy paring pumapasok sa cafe na ito, nililibang ko lamang ang sarili ko para hindi ako kainin ng inip ko. At mamaya papatayin ko talaga ang lalaking yon.

“gorgeous today?”

Napatingin ako sa pamilyar na boses na kumuha ng ulirat ko. Nakangiti parin siya at gumuguhit parin ang saya sa labi niya kahit sinalubong ko siya ng simangot sa mukha.

“alam mo, Gabryle Dominic Figuracion, Gwapo ka na eh kaya lang lagi kang late.”

Pero imbis na  daluhan ang inis ko dahil sa hindi niya pagpunta ng ontime umupo nalang ito sa harapan ko at bahagyang pinagmasdan ang nakataas kong mukha sa kawalan.

“so ano pag-uusapan natin?”

Bahagya ko pang kinuha ang boteng tubig na binili ko kanina at hindi a nababawasan dahil wala akong ganang uminom. Ikinalma ko ang sarili ko sa alindog na binibigay niya sakin ngayon.

“Masyado ka yatang Hot-Headed ngayon cindy. Eh kasi ano, may Goodnews ako.”

Tuwang tuwa pa iong tumingin at ngumiti sakin.

“ano?”

Walang tamlay na sabi ko.

“Eh kasi inalis na nila ako sa theater club.”

Pagpupugay niyang sabi, nagkasalubong ang dalawang kilay ko at iniintindi ang sinasabi niyang GOOD NEWS.

“Tsk, sa lahat ng naalis ikaw lang ang nakilala kong masaya pa ang reaction.”

Napailing nalang ako. Sa sampung taong nakasama ko siya, hindi na ako nagtataka sa ganitong Awkward niyang ugali. Kilalang kilala ko na ang waeknesses niya at tantrums mula  ulo hanggang bata. At higit sa lahat hindi lamang isang simpleng kababata ang turing ko sa kanya. Kundi isang bestfriend. Isang mabait at mapagmahal na bestfriend.

“Alam mo kasi Cinderella...”

Bahagya kong pang tinignan ng masama ng sambitin niya ang buong pangalan ko at sa buong buhay ko, ayoko ng sinasambit ang wholename ko, alam niyo kong bakit? Wala trip ko lang.

“alam mo kasi cindy..”

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.

“mahirap magstay sa isang bagay na hindi mo naman gusto, kasi habang nasa piling mo ang bagay na yun asahan mo hindi ka magiging masaya.”

Natawa nalang ako sa naasabi niya, peo siya seryoso ang mukha. Pero hindi parin ako naaninag sa seryoso ng mukha niya dahil parang gusto kong sabihin lahat ng sinasabi niya hindi ako maniniwala.

“ang dami mong drama.”

Patuloy parin ang pagtawa ko. pero bigla nalang..

“Okay lang kong sa dramang yon tayong dalawa ang magkakatuloyan.”

Bumuo ng tunog ang label ng mineral water na kanina ko pa pinaglalaruan. Napahinto ang lahat at para bang hinihintay nila ang sagot ko sa korning banat niya, pero hindi ko alam kong isang banat yun. Dahil saakin, seryoso siyang nakatingin.

Sa sampung taong pinagsamahan namin, normal lang ang makarinig ng ganitong linya niya na nakukuha niya sa TV. No other meaning for that dahil alam ko namang sa likod ng mga sinasabi niya may  nakatago ang humahalakhak na biro.

“anong klaseng joke yan?”

Bumalik ulit ang atmospera ng lugar na kanina ay naghihintay ng isasagot ko sa banat ni Gabryle.

“Cindy, Im Dead Serious.”

At tumingin nga ito ng nakakamatay na seryosong mukha. Natawa nalang ako at ginulo ang buhok niya.

Ngayon ginuguyo nanaman niya ako ng famous line niyang ‘SERYOSO AKO.’ Na laging umeextra kapag bumabanat siya at di ko masyadong seneseryoso.

At sa totoo lang never pa akong naniwala sa mga banat niya. sa mga pinagsasabi niya kahit sabihin niyang seryoso siya.

Dahil kapag naririnig ko nanaman sa mismong bibig niya ang mga mais na salita dalawang boses lang ang bumabalot sa aking isipan, ang maniwala o itanggi ang aking nararamdaman.

---*

Magkakaroon ng regula update hanggang friday :">

Siguro 3 chapters ang mapopost lagi.

Tennis Menace Series: [Book1] |Gardo|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon