Kabanata 31&32: Ang Mataas na Kawani At Ang Bunga ng mga Paskil

57.4K 96 6
                                    

                                              Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli.  Nangakalaya ang mga estudyanye.  Una’y si Makaraig.  Pinakahuli si Isagani.  Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral.  Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio.  Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot.  Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral.  At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago.  Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina.  Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan.  Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalal sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo.

Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).

                                            Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil

Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay di na nagpaaral ng mga anak.  Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.

Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil.  Natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat.  Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama.  Napasa-Europa si Makaraig.  Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit.  Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati.  Si Basilio lamang ang di nakakuha ng pagsusulit.  Nasa bilangguan pa siya.  Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.

Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya.  At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.

Higit na magkabagay si Juanito at Paulita.  Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.

Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa.  Si Simoun daw ang mamamahala.  Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral.  Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon