Kabanata 5&6: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero At Si Basilio

115K 279 36
                                    

                                       Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego.  Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga Guwardiya Sibil.

Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo.  Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.  Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor.  Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo.  Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw.  Si San Jose naman.  Kasunod naman ay mga batang may mga parol.  Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.

Natapos ang prusisyon.  Napuna ng mga Sibil na walang ilaw an parol ng karitela.  Pinarusahan uli ng mga Sibil ang kutserong si Sinong.  Naglakad na lamang si Basilio.

Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio.  May mga manok na pinapatay.  Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa Kura, sa Alperes, at kay Simoun... nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas.  Nagbilin ng isang kairel sa relo ang Alperes.  Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)

Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao.  Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.

Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat.  Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda... Ibig niyang makatistis ng tao.  Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kabesang Tales.  Di nakakain ng hapunan si Basilio.

                                               Kabanata 6: Si Basilio

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat.  Paliit ang buwan.  Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina.  Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon…

Namatay ang kanyang ina.  May dumating na lalaking sugatan.  Pinahakot siya ng kahoy na ipinasusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki.  May dumating pang isang lalaki.  Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.

Umalis siya sa gubat.  Lumuwas ng Maynila.  Maysakit at gulanit ang damit.  Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.  Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara.  Kinuha siyang katulong o utusan.  Pinag-aral sa Letran.  Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po.  Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot.  Gayunman, ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon.  At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya.  Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado.  Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.

Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase.  Natugon ni Basilio ang tanong.  Parang loro siya sa pagsagot.  Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston.  Namayani si Basilio sa labanan.  Nakilala ng professor.  Nang magtapos:  sobresaliente at may mga medalya pa.

Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.  Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal.  Malaki ang natutuhan ni Basilio.  Nagsulit siya sa pagkabatsilyer.  Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor.  Nakasulit siya at kumuha ng medisina.  Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio.  Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya.  At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio.  Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon