Kabanata 21&22: Mga Anyo ng Taga-Maynila At Ang Palabas

54.2K 129 11
                                    

                                               Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses.  Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.

Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan.  Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy.  May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod.  Siya’y si Tiyo Kiko.  Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido.  Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.

Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko.  Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle?  Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.

Ang palabas ay humati sa Maynila.  Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle.  Mayroon namang nagtanggol dito.  Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao.  Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan.  Ang wala nama’y sang-ayon sa opera.  Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.

Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle.  Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.

Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna.  Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw?  Kinapa ang sariling mga bulsa.  Walang laman.  Ano sa akin sino man sila?anito at nagkibit-balikat.  Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong.  Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila:  Ang hudyat ay isang putok.  At umalis ang karwahe.  May binabalak! aniCamarroncocido.

Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido.  Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap.  Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral.  Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan.  At yayaman tayo.  Ang hudyat ay isang putok.

Ani Camarroncocido: Doon ang Heneral dito si Padre Salvi.  Kaawa-awang bayan!  Ngunit ano sa akin?

Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod.  Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang kasinungalingan.  Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo.  Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina.  Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong.  Dumating din si Don Custodio.

Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat.  May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio.  Inanyayahang pumasok si Tadeo.  Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo.  Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.

                                                  Kabanata 22: Ang Palabas

Maingay sa dulaan.  Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral.  May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing.  Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero.  Maraming tsismisan.  Mausok.  Maraming pagtatalo.  May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo.  Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala.  Nagsigawan ang mga artilyero.Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao.  Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.

Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real.  Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig.  Katapat ito ng palko ng mga estudyante.  Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.

Masaya si Pepay.  Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson.  Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Isang Pransesa ang umawit, si Gertude.  Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig.  Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses.  Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina.  Karaniwan naman ay mali si Juanito.  Umawit si Serpolette.  May pumalakpak sa una.  Nakilala ito ni Tadeo.  Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. K akilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa.

Isang babae ang dumating na kasama ang asawa.  Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat.  Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa.  Sinutsutan siya ng mga tao.  Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.)

Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español.  Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa siya.  Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya.  Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña.

Inubo nang masasal si Juanito.  Sinigawan siya.  Paalisin ang tisiko.  Nais awayin ito ni Pelaez.  Nakilalang si Don Custodio iyon.  Natakot ang binata.  Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita.  Lalong humanga si Donya Victorina kay Pelaez.

Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit.

Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan.

Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses .  Dumating si Makaraig mula kay Pepay.  Malungkot.  Nag-usisa ang lahat.  Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene.  Sinang-ayunan nag paaralan.  Ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa pamamahala ng mga Dominikano.

Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo.  Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si Sandoval.

At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang tagumpay nila.

Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad!  Pinagtibay ang balak.  Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta.  Nagsialis sila sa gitna ng alingasngas ng buong bulwagan.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon