Special Chapter: What happened at the Hospital Of The Living DEAD...

4.9K 103 33
                                    

Special Chapter #1 What happened at The Hospital Of The Living DEAD

"Teka Drew..."

"Bilisan mo Zack!" at umalis na sila doon, saktong sakto namang dumagsa ang mga tao, nagtataka kung ano ang mga tili na narinig nila.

Nagmamadali na nagtakbuhan ang mga tao kung saan nila narinig ang malakas na tili ng isang babae. Paglapit nila sa madilim na corridor, naghihintay na duon ang nurse.

Lumapit sila dito. "Nurse, kayo ba yung tumitili? Ano ba ang nangyari?" hinihingal na tanong ng isang lalaki. Kasama niya ang asawa niya sa taas. May cancer ang asawa niya, at kaka-chemotherapy pa lang dito.

Nangiti lang ang nurse. Itinaas nito ang ulo nito, at nagimbal ang mga tao na nandun sa baba sa nakita nila. Dahan dahang tumutulo ang dugo mula sa bibig nito...

Nagtilian yung mga babae. Pinauna ng mga kalalakihan ang mga babae pataas sa hagdanan. Tila nagising ang diwa ng mala-halimaw na nurse. Nawala ang parang inaantok na kilos nito, at mabilis itong nakalapit sa mga tao. Tinalon nito ang paanan ng hagdanan, at hinablot nito ang paa ng babae na pinaka malapit nang makatakas. Sa oras na nahawakan nito ang binti ng babae, ibinaon niya ngipin niya sa binti nito.

Napasigaw ang babae, pero walang nakakarinig nito maliban lang sa mga kasama niya. Malayo sa mataong lugar ang lokasyon nila, at lahat ng dapat na makakarinig sa kanya ay kasama niya ngayon sa mala-impyernong ilalim ng PGH.

Hindi nakuntento ang nurse sa isang biktima. Sinigurado niyang walang nakatakas. Unti unti, inisa isa niya lahat ng bumaba. Isang kagat, sa leeg o sa paa, para hindi makatakas. Tsaka na lang niya babalikan kapag nakasigurado na siya na walang makakatakas sa gagawin niya. Sinimulan na niyang lapain ang mga naging biktima niya. Inuna niya yung mga makakasigaw pa.

Nangyari ang lahat ng ito sa loob lamang ng isang oras.

Pagkatapos niyang pagpyestahan lahat ng bumaba, bumalik na naman siya sa parang natutulog habang naglalakad na estado. Unti unti siyang umakyat ng hagdan, kung saan siya nakakarinig ng ingay. Ingay. Iyan ang paraan niya para maghanap ng kanyang pagkain...

Unti unti, kinain niya ang mga taong nakikita niya. Yung iba nakakasigaw, at nakakapagtawag ng kasama, pero walang nakakatakas. Maya-maya ay sinamahan na siya ng dalawang doktor na kinain niya kanina. Naging katulad na niya ang mga ito. Buhay, pero patay din. Naipit sa gitna ng estado ng isang buhay na tao at isang patay na.

Maya maya, nasa pinaka main entrance na sila ng naturang ospital. Madami na sila ngayon. Sa loob ng isang oras, naging katulad na nila ang mga kinain nila. Nagiingat sila, nagtitira ng sapat na laman para maging kauri nila lahat ng nabibiktima nila.

Lumubog ang araw, at sumikat ito. Sa loob ng labing dalawang oras, napunta na sa mga taong buhay na patay ang buong PGH. Lahat ng mga nagising na ay nilisan na ang naturang ospital. Nagsidatingan na din ang mga pulis, at nadatnan na nila ang mga "bangkay". Dumating ang mga reporter sa loob ng isang oras, at umalis na din.

"Pare, nakikita mo ba yung mga sugat na to?" tanong ng isang eksperto sa kanyang kaibigan.

"Ou nga. Parang...kagat? Pero parang hindi naman hayop. Imposibleng hayop ang gumawa nito. Bakit may natira? Kung hayop ang gumawa nito, bakit lahat, diba? Hindi ba siya mabubusog sa isa lang? Anong klaseng hayop ang kayang pumatay at kumain ng 1000 tao?" nagtataka niyang sagot sa kaibigan.

Naguusap yung dalawa ng biglang gumalaw yung isa.

"Pare may buhay pa dito!" sabi niya, pero paglapit nila...

Nagsimula na ang pyesta.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hahaha kung may hindi pa kayo nagegets, paki hintay na lang yung mga future chapter. Sa future chapters kasi maeexplain lahat ng mga nangyayari. hahaha

Comment lang kayo =)

Zombie Apocalypse - 2012Where stories live. Discover now