Chapter 2 : DEAD Men Walking

5.9K 130 37
                                    

Chapter 2 : DEAD Men Walking


"Duguan ang mga biktima ng datnan ng mga pulis ang labi ng mahigit isang libo at dalawang daang katao dito sa Philippine General Hospital. Nilalangaw na, at mukhang mahigit 4 na oras na ang nakalipas nang biglang mamatay ang lahat ng tao na nasa loob ng naturang ospital. Hindi parin maipaliwanag ang kadahilanan kung bakit ito nangyari. Patuloy parin sa pagiimbestiga ang mga eksperto tungkol sa maramihang pagpatay. Balik sa studio..." sabi nung reporter sa news.


Tinurn off ni Andrew ang TV. Gusto na niyang kalimutan lahat ng nangyari sa loob ng PGH. Ayaw niya ang pakiramdam ng ganito, nanghihina sa alaala ng nakita niyang ginawa ng nurse sa dalawang doktor.


Dala-dala ang bag, sumakay siya ng taxi papunta sa isang indoor shooting range sa Makati. Dito siya pumupunta lagi kapag gusto niyang makapag relax at mawala sa kanyang isipan ang mga bagay na nangbabagabag sa kanyang isipan. Ang adrenaline ng paghawak ng baril at ang tunog ng mga putok nito ay nakakarelax para kay Andrew. Lumaki siya sa poder ng kanyang lolo na heneral at tatay na hepe ng mga pulis. Masasabi niyo na nasa dugo na nila ang paghawak ng baril, pero walang balak si Andrew na sumunod sa mga yabag ng kanyang tatay at lolo.


Pagkabihis ng damit, at pagbayad ng fee sa paggamit ng shooting range, nagsimula na siya sa pagbaril sa mga target. Yung iba, hindi sakto sa gitna ang tama, pero yung iba naman ay bulls eye, tinatamaan sa dibdib. Minsan, sinasadya niyang hindi i-bulls eye, kundi, ang mga ulo naman ang pinatatamaan niya.


Napatigil na lang siya bigla. Nagriring pala ang telepono niya. Sinafety lock niya ang semi automatic pistol na hawak niya at tumakbo papunta sa lamesa. Nagpunas siya ng pawis at tiningnan kung sino yung tumatawag. Missed call ni Zack pala yun. Tinawagan niya ang kaibigan. Nagring ito, isang beses, dalawang beses, hanggang sumagot si Zack.


"Zack, bakit ka tumatawag?" tanong niya habang nagpupunas ulit ng pawis.


"Pre..." sabi ni Zack pabulong. Patuloy sa pagbaril ang mga kasama ni Andrew sa shooting range. "Nasa Armscor ka?" tanong ni Zack sa kanya. Armscor ang pangalan ng shooting range na pinupuntahan ni Andrew.


"Oo, bakit parang bumubulong ka ata? Lakasan mo, hindi kita maririnig, patuloy sa pagbaril mga kasama ko eh!" sabi ni Andrew sa kaibigan.


"Hindi pwede. Nandito si Nina eh. Ayaw kong malaman niya na nandun tayo sa PGH nung nagpatayan. Pre, tapatin mo ako, alam mo yung tungkol sa patayan no? Nagmamadali kang makaalis dun kahapon eh." sabi niya. Si Nina ang girlfriend ni Zack. Nagdadalawang isip si Andrew kung sasabihin ba niya kay Zack kung ano ang mga bagay na nasaksihan niya sa madilim na parte na itinatago ng PGH.


"Meet tayo, SM North. Wag mo nang isama si Nina kung ayaw mong malaman din niya yung nangyari kahapon.” Sabay alis ng naturang shooting range.

Zombie Apocalypse - 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon