Tonight with him Part 2

35 2 2
                                    

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin ngayon. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng lakas na mag usap.

Tinignan ko ito at nakita kong bahagyang nakakunot ang noo nito. Siguro ay galit pa rin sya sa nangyari. Naguilty naman ako sa inasta ko. Kung kailan naman ay medyo nagiging okay na kami ni Chad nakita nya pa akong ganun. Kahit hindi niya direktang sabihing okay na kami, ramdam ko naman iyon. Napangiti tuloy ako.

"Why're you smiling?" aniya at tinignan ako ng nakakunot ang noo.

"Paano mo nalaman na nadoon ako kila Britney?" pagtutukoy ko sa pinagganapan ng pool party.

"Tss. It's not important anymore. Saka bakit ka pumupunta sa ganoong lugar? Kababae mong tao. Paano kung mabastos ka? Well, nabastos ka na nga!" ayan na. Galit na naman siya.

"Ininvite lang kami para magcelebrate dahil tapos na ang exam. Wait, are you concern about me?" nakangisi kong tanong. Nakita kong pumula ang pisngi nito kaya agad siyang nag iwas ng tingin.

"So what if I am?" aniya.

Gosh! Ako naman ang namula!

"Chad naman eh!" di ko na napigilan at niyapos ko na ito. Nagulat naman ito dahil naramdaman kong nanigas ang katawan niya.

"Hey, can't you see I'm driving? Baka mabangga tayo!"

Bumalik ako sa upuan ko. Di ko mapiit ang ngiti ko. Hindi ko akalaing magiging okay kami. Napipilas na ata ang bibig ko sa laki ng ngiti ko.

Paglingon ko kay Chad ay nakakunot pa rin ang noo nito pero ay nangingiti ngiti na rin ito. Kunwari pa to!

Parang bumaligtad ang sikmura ko ng lumiko ang sasakyan nya. Masusuka pa ata ako. Napahawak naman ako sa noo ko dahil nahihilo na naman ako. Lagi na lang nasa huli ang tama sa akin ng alak.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya tinignan ko si Chad.

"Hey, you okay? Tsk. Nag inom pa kasi." aniya at inabot sa akin ang maliit na jag na may malamig na tubig.

"Drink that first para kahit papaano ay mahimasmasan ka."

Ininom ko naman ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at medyo nawala ang hilo ko.

Nagpatuloy sa pagdadrive si Chad hanggang sa makarating na kami sa kanila. Pagkapasok namin sa bahay ay tumawag si Chad sa bahay namin para ipaalam na dito ako matutulog. Pumayag naman ang papa ko.

Naku, iisipin nila nagkabalikan na kami. But the truth is I dont know what's the real score between us. Di nya pa nililinaw ang mga bagay bagay.

Gusto ko pa sanang bumati kila Tito at Tita kaso napag alaman kong tulog na ang mga ito. Past 11 na pala. Late na pala talaga.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Chad kung bakit ay gusto niya akong matulog dito. I know this isnt the first time but it feels like it is. Nakakakaba and nakakaexcite at the same time.

"Mag ayos ka muna. Kaya hindi kita pinauwi dahil amoy alak ka. Kumuha ka na lang ng tshirt ko. Then after mong mag ayos bumaba ka dito. I'll prepare some foods para makakain ka. Baka puro alak na ang laman ng tiyan mo." dire diretsong sabi niya. Nakanganga lang ako sa mga naririnig ko. Totoo ba talaga ito? Si Chad ba talaga ito?

Habang naglalakad ako pataas ng kwarto niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong ng kung anu ano. Ano bang nangyayari at biglang nagkaganito ang sitwasyon? Parang kailan lang ay kinamumuhian ako ni Chad. Halos ipagtabuyan na ako noon. Bakit bigla siyang nagkaganyan?

Well, whatever. I dont care anymore. Maayos na kami ngayon.

Pumasok ako sa kwarto niya. Dahil sigurado na akong dito na ako matutulog.

Operation: Make Him Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon