Tonight with him part 1

51 4 1
                                    

5..4..3..2..1

"YEHEEEY!! Tapos na ang exams!"

"Saan tayo mamaya?Tara sa mall!"

"Oy, inuman na mamaya!"

Kanya kanyang sigawan ang mga kaklase ko. At last! Tapos na ang exams. Ang saya ko grabe!

Isang linggong pahinga para sa school foundation. Kung tatanungin nyo kung anong nangyari sa report namin ni Chad, siya lang naman gumawa ng lahat. Kaya sarap buhay lang ako. Taga basa at medyo taga explain, then the rest ay sya na.

Abalang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko with matching unat unat pa. Party party na!

Napag usapan na sa cafeteria na lang kami magkita ng mga kaibigan ko. Namiss ko sila dahil matagal tagal din kaming hindi nakapag bonding.

"Anaaak!" - henzie

"Kamusta mga ineng? At last! Party party na!" masaya kong salubong. Sarap lang talaga sa pakiramdam kapag yung halos one hell week mo ay natapos na. Sarap magheadbang at magwala!

"OMG! Tara sa bar mamaya! O di kaya sumama tayo sa pool party?Ano, guys? Game?" - Rhea

"Game ako dyan!" sabay sabay naming sabi.

"Okay, later. 6Pm, huh? No KJs 'cause we're gonna party!" - Rhea. Naghiyawan kaming lahat. This is it!

"Pero later na yan guys, dahil may good news ako! OMG!" nagtititiling sabi ni Henzie. Sa sobrang kilig nito ay halos hambalusin na kami. Kahit kailan talaga itong inang ko.

"Oh, ano na naman yan?" sabi ko sabay kagat sa fries na binili ko.

"Guess what, theyre back! OMG! The hot papables are back!" aniya na halatang kilig na kilig na.

"Baliw! Sinong sila?" - Hyline

"Kire talaga nito. Basta mga gwapo ang galing sumagap ng balita." - Ange

"The famous papables of  Mystic Warriors Basketball Team are already back!" aniya

"You mean yung team ni Chad?" - Kent

Yes. They are the famous basketball team. They got their name because they are mysterious. You never know when they will attack and they are warriors because they give everything they have until their last fight.

"Of course! Nag iisa lang sila no!" - Henzie

So, nakabalik na pala sila. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nawala sila bigla. I never had the chance para tanungin si Chad kasi naghiwalay na kami.

And speaking of his team. Nakaramdam ako ng kakaibang pangingilabot. Napansin naman ito ng mga kaibigan ko kaya tumahimik sila.

I just hope he's not here. Wala na akong balita sa kanya. Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Chad. Ang lalaking gumulo sa buhay namin.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Di na ako umiimik. Parang pinipiga ang tiyan ko sa mga naiisip ko. Nanlalamig ang mga daliri ko. Kinakabahan ba ako?

Maya maya ay nakarinig kami ng mga hiyawan at tilian ng mga babae sa paligid. Naglinga linga kami.

Tumigil ang lahat ng pumasok ang limang lalaki na halatang kagagaling lang sa practice. Medyo basa pa ang mga buhok nito at may bitbit silang bimpo.

Nagpipiit naman sa kilig ang mga kaibigan ko ng makitang nakatitig si Chad sa pwesto namin specifically sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Lumabas ata ang puso ko sa sumunod nyang ginawa. Ngumiti ito sa akin ng matamis then he mouthed "kumain ka na?"

Operation: Make Him Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon