Chapter 05

4.4K 133 18
                                    

Dedicated sa sooobrang supportive kong classmate na hindi ko alam kung paano nalaman ang wattpad account ko :D

Hi Rhy !

CHAPTER 5:

NIL’s POV

“Waaaaaah KRRRRRRRR”

“Pong patigilan mo yan baka ako mapuno at sa mukha niya itataga ko tong kutsilyong hawak ko!” sigaw ni Donut mula sa kusina saka nagpatuloy na mag slice nung hotdog.

“Bakit ba e break na kami! And to think anniversary namin at birthday ko pa. Waaaaaaaaahh” sigaw ko

"Ang kapal niya naman kasing magpaka playboy yung tindera nga sa palengke hindi siya pinatos tapos nakipag break siya sayo? Wow feeling niya ang gwapo siya?” taas kilay na sabi ni Pong

“Ano na ang gagawin ko?”

“Magpa fireworks, e libre mo kami mag celebrate tayo!”

“Ayoko!” dumapa ako sa kama at minudmod yung mukha ko saka umiyak ng umiyak.

“Nil tama na” hinagod ni Chinee yung likod ko saka niyakap “Shhh tama na. Tama nga naman sila baka mas mabuti pa nga siguro na naghiwalay kayo. Shhh wag ka ng umiyak”

“O sha sha bumangon ka na diyan at kumain ka!” narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Donut. “Pagkatapos mo, maligo ka at magbihis dahil may photoshoot kapa”

“Nag-paalam na ako kay Ate at mamaya na ako pupunta tutulong na lang akong magligpit pagkatapos ng shoot”  

“O hala magmadali kang kumain at pupunta tayong mall” at harsh na sinubo sa’kin ni Pong yung hotdog.

After thirty minutes na paghahanda umalis kami ng bahay at nagpunta kami ng mall. Nag window shopping kami hanggang alas dose tapos napag desisyunan na naming maglunch sa McDonalds.

Fries at caramel sundae lang ang inorder ko dahil wala din akong gana kumain habang silang tatlo nag chicken. Habang kumakain nag-uusap silang tatlo habang ako tulala na nakatingin sa kanila. Tumatango nga ako pero hindi naman pumapasok sa isip ko yung sinasabi nila.

KRRRRRR!

“Uy gets mo yung sabi ko?” tanong ni Donut

“Oo” sagot ko naman

“Hindi ka nga nakikinig!" binatukan niya ako "Wala pa akong sinasabi gaga!”

“Umalis na nga tayo” nagsimula na akong tumayo at naglakad papunta ng exit ng matigil ako sa may pinto.

“K-KR” nauutal kong sabi habang tinitignan ko ang lalaki sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin o kaya lumuhod sa harap niya para magbalikan kami kaso may ahas naman na nakapulupot sa braso niya. Tama nga si Donut, hindi lahat ng ahas nasa gubat kasi may isa rito oh nakatayo sa harap ko.

“A-Aila” bulong ko na hindi makapaniwala

“Hi Nil okay lang ba? Break na naman kayo diba?”

Waaag Nil! Papatayin kita kapag umiyak ka sa harap ng gagong yan.

PLAYBOY MEETS KARMAWhere stories live. Discover now