Chapter 01

10.6K 228 25
                                    


---NP: Live Like Woe--->

CHAPTER 1:


Woe oh, oh, oh! Woe oh, oh, oh! I kinda feel like it don't make, like it don't make
Feel like it don't make sense. I'm thinking baby you and I are undeniable. But I'm finding out love's unreliable. I'm giving all I got to make you stay--

Bago pa matapos ng Ready Set and single nila na abot ko na ang cellphone ko sa side table and sinagot yung phone.

"Oh?" pikit mata kong sabi at bumalik sa paghiga.

Nakakainis! Sino ba naman kasing tumatawag ng ganito ka aga?


"Hoy babaita gumising ka naaa!" rinig kong sigaw ni Donut sa kabilang linya kaya nilayo ko ang cellphone at pinatapos muna siyang sumigaw bago binalik ang phone sa tenga ko.

"Hmm gising na'ko" mahina kong sabi.

"Gising ha?! Naku naku tawagan ko kaya ang pinsan mo at utusan ko na buhusan ka ng tubig?"

"Ugh Don ano ba kasing kelangan mo?" inis kong sabi.


"Alam mo bwesit ka! Dugtungan mo ng 'nut' ginagawa mo naman akong lalaki niyan e!"

"E lalaki ka naman kasi talaga"

BAKLA! Kung pwede ko lang yang idugtong kanina ko pa ginawa but knowing this freak for sure sobra pa sa kalbo ang gagawin niya pag nagkita kami.

"Donut akin na nga yang cellphone" rinig ko namang sabi ni Pong at tingin ko inaagaw niya ang phone kay Donut. "Hello Girl"


"Oh bakit na naman?"

"Ah maldita ka na ngayon? Alam mo pagnakita kita mamaya tatanggalan kita ng balahibo sa buong katawan!"


"Sheees tumigil na nga kayo hindi kayo matatapos niyan e" rinig ko ulit sa kabilang linya at feeling ko inagaw na Chinee yung phone

"Hello Nil"

"Ano na naman ba ang pinagpuputok ng butse ng dalawang baklang yun at ang aga-aga binubulabog ako?"

"Ni reremind ka lang namin sa lakad natin ngayong nine sa race track. May practice kasi si Andrei at makikiwifi tong dalawa dun"

"Race Track?"


"Jusko bruha wag mong sabihing nakalimutan mo? Nil papatayin talaga kita pagnagkita tayo" sabat ni Donut

"Shhh tumigil ka nga hindi tayo matatapos dito e kumain ka na lang" sita ni Chinee

"Basta gumising ka na you have exactly thirty minutes para mag ready"

"THIRTY MINUTES?!" na hungkag naman bigla ang kaluluwa sa sinabi niya.

Pagtingin ko sa wall clock shoot! 8:30 na!

"Taena Chin bakit ngayon mo lang sinabi?!" dali dali akong tumayo sa kama at dumiritso ng cr.

"Ay taena mo rin ako pa ngayon sinisisi mo? Abah ter maghinay hinay ka sa sinasabi mo ha!"

"Ugh! Kasi naman e"

"Basta see you at nine"

"Hindi hindi hindi ako pwede!"

PLAYBOY MEETS KARMAWhere stories live. Discover now