Ikatlong Kabanata

14 0 0
                                    

IKATLONG KABANATA

Habang naglalakad ako, naririnig ko ang kotse ni Dad na mabagal na sinusundan ako. Alam ko ma-drama yung ginawa kong pagwa-walk out pero ano ba! Nakakainis eh. Ganun na lang yon para kay Poy? Ts. Gago talaga yon. Sarap iuntog sa pader eh!

Binusinahan ako ni Dad ng madaming beses pero hindi ako lumingon sa kanya. Diretso lang akong naglakad tapos binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa tumakbo na talaga ako.

Pagdating sa bahay, agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng isang pack ng Oreo tapos dumiretso na ako sa kwarto ko. Eto na lang ang dinner ko.

Hindi na ako bababa.

Bahala na si Dad sa buhay niya.

Bumagsak ako sa kama ko habang yakap yakap yung pack ng Oreo. Habang nakatingin ako sa salamin sa mga picture na nakadikit sa ceiling, nagpapapadyak padyak ako sa sobrang inis.

Tinabi ko yung Oreo tapos kumuha ng unan at sumigaw sigaw doon.

Hindi ko alam kung gaano katagal at gaano kalakas ang mga sigaw ko pero isang bagay lang ang sigurado ako, masakit na ang lalamunan ko.

Tinanggal ko na ang unan nang mahirapan na akong huminga at nang masakit na din ang lalamunan ko.

Sa mga ganitong panahon na pati si Poy hindi ko na maasahan, isang tao lang ang mapupuntahan ko. Hindi naman talaga literal na mapupuntahan kase nasa New York siya.

Siguradong bibigyan niya ako ng advice. Walang kwenta nga lang, pero okay na yon. At least sinubukan niyang bigyan ako ng advice diba?

Sana nga lang wala siyang ginagawa ngayon.

Tinawagan ko si Dylan, yung kuya ko na nagco-college sa New York. Matagal tagal ang hinintay ko pero sumagot din siya.

“Yo, Japs! Napatawag ka?!” masaya niyang bati.

Umupo ako tapos nagpa-slide mula sa kama papunta sa floor at doon humiga. Eh mas malamig kasi sa floor kesa sa kama eh. Gusto ko pagka may kausap ako sa phone kumportable ako.

“Oy, Japs! Ulol! Alam kong mahal yang pinantawag mo sa’kin kaya magsalita ka!”

Huminga ako ng malalim.

“Si Dad kase eh!” reklamo ko.

Narinig kong tumawa siya ng malakas sa kabilang linya kaya umirap na lang ako. May ugali talagang ganito si Dylan eh. Tatawanan ka pagka meron kang pinagdadaanan. Masaya siya pagka problemado ang mga tao. Doon siya humuhugot ng kaligayahan niya. Psh.

“Ano? Lumalabas na naman ang pagka control freak ng tatay naten?” tanong niya.

Tumango ako sabay sabing, “Pakshet. Nabbwisit na ako Dylan eh! Tapos isa pa tong gagong Poy na to.”

“Oh? Napano si Poy? Nanligaw na sayo?”

“Eh mas gago ka pala kay Poy! Ako liligawan non? Psh. Kadiri ka. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.”

“Eh bakit ba? Eh manok ko siya eh—teka nga lang… may girlfriend ka siguro no?”

Nanlaki ang mga mata ko at napaupo.

“Loko ka, Dylan! Hindi nga ako tibo! Ang kulit niyo no?! Hindi ako tomboy.”

“Pero hindi ka din babae.”

“Babae ako Dylan,” madiin kong sabi. “Hindi lang halata pero babae ako.”

“O sige nga… kelan ka huling nagsuot ng palda?” tanong niya.

Pinikit ko ang mga mata ko. Last akong nagsuot ng palda? Malay ko ba!

“Hoy, Japs, last kang nagsuot ng palda noong bininyagan ka!”

The Other SideWhere stories live. Discover now