Unang Kabanata

21 0 0
                                    

Unang Kabanata

“Do you have a kill shot?”

“Negative sir.”

“What do you got, then?”

“Sir, I have a clean shot now. I repeat I have a clean shot.”

“Fire.”

BA—

Isang kaluskos ang gumising sa akin habang nakatalukbong ako. Umagang umaga eh! Ang ingay na agad. Hindi ba pwedeng—

Ha! Nga pala, tanghali na ngayon.

Pero kahit pa! May natutulog tapos ang ingay! Bastusan, ganon?!

Pinikit ko ang mga mata ko ng mahigpit na mahigpit at sinubukan ulit matulog. Eto ang ayoko sa lahat eh. Yung ang sarap sarap na ng panaginip ko. Naman oh! Ayun na eh! Pipindutin ko na lang ang trigger, huli na namin yung kriminal eh!

Dumapa ako sa kama ko at binaon ang buong mukha ko sa unan.

Napatayo na lang ako nang biglang may marinig akong tumatambol tambol ng malakas. “Ano yon?! Shit, ano yon?!” natataranta kong sigaw habang kinukuha yung baseball bat sa may tabi ng bedside cabinet ko.

Nang mahimasmasan na ako, at kumalma ng konti, nakita ko ang tawang tawang itsura ni Poy habang nakaupo sa drum set ko.

“Hoy! Kain na ng hapunan! Pinapatawag ka na ni tito!”

Tumawa pa siya ng malakas.

Tofu naman oh!

“Sira ulo ka ba?! Kita mong tulog ako eh!”

“Kaya nga ho kita ginising eh. Boba!” sigaw niya habang tumatayo at pinapaikot ikot sa mga daliri niya yung drum stick.

Sa sobrang inis ko, pinulot ko yung volleyball na nasa floor at ni-spike papunta sa dibdib niya. Malas nga lang, naiwasan niya. Nabasag tuloy yung bintana sa likod.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng isang malakas na sigaw mula sa labas.

Ngumisi si Poy sa akin.

“Hala ka, Japs!”

Binatukan ko siya bago dumungaw sa bintana kung saan lumabas ang bola. Nakita ko si Manang Rosario, na nakahiga sa may daan at hinihimas himas ang ulo habang nagkalat ang mga paninda niyang kakanin.

“Tsk tsk tsk, Japs,” sabi ni Poy sabay akbay sa akin. “Lagot ka.”

“Eh gago ka pala eh!” sigaw ko sabay sapak sa mukha niya pero nasalo niya ang kamao ko gamit ang palad niya.

“Miss Samonteeeeee!” sigaw ni Dad. Ah! Malamang nagsumbong na yung Manang Rosario na yon. Ts. Parang hindi bagay sa kanya yung pangalan niya. Bwisit!

“Oops, Japs… kelangan ko ng umali—“

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, siniko ko sa mukha si Poy. Pero hindi naman ganoon kalakas. Hindi naman ako bayolente no! Pagka na-te-threaten lang.

“Aba! Ang sakit non ah!” reklamo ni Poy.

Bigla niyang kinatok ng malakas ng tatlong beses ang noo ko.

Dahil naiinis talaga ako, desidido na ako na sipain siya palabas ng bintana para mabali ang mga buto niya… ngunit bago ko pa man magawa, biglang bumukas ang pinto at nakita naming pareho ni Poy ang isang umuusok na si Dennis Samonte.

“Kayong dalawa, baba!”

Napalunok kaming pareho ni Poy.

* * * * *

The Other SideDär berättelser lever. Upptäck nu