Move on na.

1.9K 57 3
                                    

"Can you please just move on? Mahihirapan ka lang Josh."

"Ang tanga tanga mo, alam mo yun?"

Kahit na ilang beses na nilang sinabi sakin yan, hinding hindi ako makakamove on. Kung sila kaya nasa pwesto ko no? Alam kong mahirap ang Long Distance Relationship. Pero di naman tama na sabihin nila na magmove on na ako dahil di pa kami nagbreak. Kala kasi nila di ako babalikan ni Jeia at may nahanap na syang iba dun.


"Just shut up, pwede?" Kaya yan nalang ang lagi kong sagot sa barkada sabay alis. Nakakainis kasi. Sino ba sila para sabihan ako na magmove on?








"Josh.." Isang araw, nagmumuni-muni ako sa hang out place namin ng tropa nang biglang may narinig ako. Nung una, kala ko imagination ko lang yun pero nung lumingon ako, siyang siya nga. Yung taong mahal ko na kala ko pinagpalit na ko sa iba.








"Jeia?! Shit, miss na miss na kita!" Yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang umiwas.










"I'm just here to say that I'm sorry and I'm breaking up with you."





"H-ha? Hindi magandang biro yan ah." Masakit pala talaga? Bakit ba naging ganto? So ngayon, kailangan ko na talagang magmove on?



"I'm not joking Josh. And besides, saglit lang ako rito. Baka di na nga tayo magkita pa ulit eh. Mahirap to at ayoko na rin. Ayoko nang saktan ka pa, you deserve better.. Good bye and thank you sa lahat, Josh." tinalikuran nya ako habang nakita ko na papalayo na sya ng papalayo.




Hindi na ako nakapagsalita. Lahat ng gusto kong sabihin parang nawala bigla.





Ano bang ginawa ko? Ang dami ko bang pagkukulang? Nakuha na ba ng iba ang puso nya?









Sabagay, Rebound lang naman ako. Di manlang ako nakaamin kung ano talaga nararamdaman ko sa kanya. Na nafall na ako habang ginagamit niya lang ako.











Josh, move on na.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon