Secret Admirer.

2.9K 81 14
                                    

Editing.


"Oy."

"Oh?"

To na naman po tayo sa walang kakwenta kwentang convo namin ng aking magaling na bestfriend. Lagi nalang. Nakakasawa na pagmumukha nito eh. Pero syempre joke lang!

"Balita ko may secret admirer ka daw?"

"Tse. Aasarin mo lang ako eh." Kasi po, NBSB ako kaya impossible na may Secret Admirer ako. Pero totoo nga, may Secret Admirer ako simula nung naglagay ang taong yun ng kung ano ano sa locker ko. Diba tawag naman dun Secret Admirer? Tawag nya sa sarili nya Secret Admirer eh. Sounds corny pero sige lang pagbigyan.

"To talaga. Asar agad? Di ba pwedeng, congrats muna?"

"Letse."

"Hahaha! Oh seryoso na. Swerte naman nung Secret Admirer mo." nakangiti nyang sabi sakin.

"Oh tapos? Di yun swerte. Di ko siya gusto no."

"Agad agad? Pano pag nakita mo yun nang harap harapan? Di ka magugulat?"

"Depende. Kung panget, nganga. Kung gwapo, magpapaligaw na ako agad!"

"Seryoso kasi ako. Kung ano ano sinasabi mo eh!"

"Seryoso din naman ako ah? Ewan ko sayo!"

"Oo na. Lagi namang 'ewan ko sayo' sinasabi mo sakin eh. Tanggap ko naman."

"Eww drama. Di bagay. Hahahahaha."

"Tas tumatawa ka naman? Maka-eww eh."

"Hahahahahaha. Eh kasi wala lang. Hahahaha."


Ganyan lang talaga kaming magbestfriend. Ewan ko nga kung paano ko sya naging bestfriend eh. Isang araw paggising ko, lagi ko na syang kasama, lagi siya ang kinakausap at kakulitan ko. Muntik na nga ako magkagusto rito eh. Pero syempre pinigilan ko kasi ayokong masira friendship namin. Marami rin kasi kaming pinagdaanan. Siya kaya? May time kayang muntik na siyang magkagusto sakin? Wala naman masamang mag-assume eh.


Malay natin diba?



-



"Haaaay."

"Ilang beses ka na bumubuntong hininga dyan ha? Nagkakawrinkles ka."

"Salamat sa pagcomfort Sean."

"To naman! Bakit ba? Napansin ko kanina ka pa namromoblema."

"Wala to."


"Weh? Sige bahala ka."

Nakakainis naman to. Di manlang ako kulitin kung bakit badtrip na badtrip ako. Pano ba naman kasi, natapos na yung araw wala pa ring kahit ano sa locker ko. Ano kaya nangyare dun? Baka naman sinukuan niya na ako, ngayon pa siya susuko kung kailan gusto ko na makipagkita sa kanya?! Halos 8 months na kasi nakalipas at nahulog na din loob ko sa kanya. Kung kailan nahulog na ako, saka di niya ko sasaluhin? Hay Hanna napakanega mo!





"Hanna...." Nabigla ako nung humarap si Sean sakin habang nakititig sa mga mata ko.  Pagkatapos niya akong di pansinin ng ilang minuto?!


"Bakit?"





"Pano kung malaman mo kung sino yung Secret Admirer mo?"


"H-ha? Ewan ko?"


"Pano kung ako yun?"


"Pano kung ako yung nagbibigay sayo ng lahat lahat ng yun sa locker mo? Tatanggapin mo ba ako?"





"....." Maniniwala ba ako sa kumag na to? Alam ko naman na hinding hindi sya yun! Kung siya nga, bat hindi ko nahalata una pa lang? Hindi ko nahalatang, mas nauuna siyang pumasok kesa sakin para maglagay ng good morning notes. Hindi ko nahalatang, mas nauuna siyang bumaba ng canteen para lang mabigyan ako ng pagkain. Hindi ko nahalatang, kung ano ano pinapalusot niya para mauna na ako umuwi para di niya ko mapansin yung ibibigay niya the next day. Pero bakit... bakit ngayon ko lang narealize? Bakit ang tanga ko?



"Alam ko naman na kahit anong sabihin ko, hindi ka maniniwala. Ano pa bang magagawa ko? Bestfriend mo lang naman ako. Bestfriend. Pero pwedeng ako rin yun diba? Ang secret admirer mo? Na kapag malayo na tayo sa isa't isa, nakikita parin kita at patuloy na minamahal. Korni ko ba? Haha!"






"Sean..."


"No. Don't say anything. Alam kong rejected na ako in the first place, sino ba naman ako diba? Matagal na kitang gusto, seryoso ako. Sorry kung napakatorpe ko. Ayoko lang na magbago trato mo sakin, tignan mo ngayon naawkward ka. Ayoko. Tawagin mo man akong duwag pero tama ka, duwag nga ako. Di kasi ako makakuha ng lakas ng loob na umamin. I'm sorry at kalimutan na natin feelings ko. Okay na ako!" Hindi ko alam sasabihin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan, nasasaktan siya ng dahil sakin. Nakikita ko nagpipigil siya ng luha. Ang sakit makitang ganyan ang bestfriend mo.


Tumingin ako ng deretso sa kanya at pinunasan ang nangingilid niyang luha. Nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko siya at sinabi,


"Alam mo kung di lang kita mahal kanina pa kita sinapak. Bat mo ba ko pinapangunahan? Hindi mo pa nga alam kung anong nararamdaman ko. Hindi mo alam na araw araw hinihintay kong may ilagay ka sa locker mo. Sayo ko lang naramdaman na importante ako at may taong magttyagaang suyuin at gawan ako ng effort. Sorry kasi ang tanga ako. Hindi ko narealize na ikaw yun, na kahit di ka pa maging Secret Admirer ko eh ikaw yung laging nandyan para sakin. Ikaw yung nagpapaalalang maganda ako at importante. Ang manhid ko dahil di ko napansin feelings mo lalo na feelings ko. Matagal na rin kitang mahal Sean. Matagal na."

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon