Tenth ~

1.2K 14 2
                                    

Day 8 of 31 

Kathryn's POV

It's been 2 days since nung corny na apology ni Daniel. Matapos yung katagang gumising sa wisyo ko bigla na lang akong nagchange topic at patay malisya. Naguguluhan na nga rin ako sa sarili ko kung bakit ba ako napa isip sa sinabi niya eh. Diba nga pretend lang 'to lahat lahat. diba diba?

Napasabunot na lang ako sa buhok ko in frustration. Feeling ko simula ng simulan ko ang deal na'to eh bumabalik na'ko sa dating ako. Yung Kath na duwag at tanga. Sinisigurado ko naman na hindi na ako tuluyang babalik sa dating ako eh.

Tutal yung dalawang goals ng fake relationship na''to eh solved na. Tumigil na si Jon at yung iba pang nangungulit sakin. Si Lola hindi na ako trinatratong bata. Yung isa na lamang ang natitira. Napangiwi ako saka napangisi. Alam kong magagawa ko parin ang plano ko dahil natutuwa parin akong isipin na iiyak si Daniel sa harapan ko. Luluhod at magmamakaawa

"Babe!"

"Ay magmakaawa kang kabuti!" Napatakip ako ng bibig ko. Sht. Bigla bigla kasi siyang dumarating baka kung ano pang nasabi ko. Masama iyon. Kumunot naman ang noo ni Daniel sakin tsaka inexamine ang mukha ko. Siguro iniintindi niya kung ano ang sinabi ko. Badtrip naman kasi 'tong bibig na'to ako pa mismo nagpapahamak sa sarili ko.

"Huy Babe. Ano na!" Sigaw ko sa kanya. Patay malisya sa sinabi ko kanina. Umayos naman ang mukha niya sabay ngisi ulit. Yung ngisi na parang sinasabi niya sa araw na "mahiya ka sa liwanag ng ngiti ko look" in short ang gwapo! at nakakapagpakaba kaya minabuti kong ibaling sa kaliwa ang tingin ko

Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat tsaka ngumiti ulit kaya pasimple kong itinaas ang mga mata ko sa mga mata niya pero wrong move. Mas lalong nagwala ang tyan ko kaya't binaling ko na lang sa noo niya.This is just great Kath

"Umm ano..." Luminga linga siya na para bang nahihiya pa sa sasabihin niya. Para bang may hiya siya eh wala naman.

"Hmm." Pinanlakihan ko siya ng mata na tila ba naghihintay ng sasabihin niya

"May game.. kasi .. ka-me.." Nauutal niyang sabi "Da-pa...t an..dun ka." Suminghal siya ng sa wakas ay mabuo na niya ang sentence niya

My Heart Beats For You [Kathniel]Where stories live. Discover now