Ninth ~

1.3K 16 6
                                    

Day 6 of 31 

KATHRYN'S POV 

And so ba? Yakisoba xD kung nagditch si Dj ng klase para sakin? 'Di naman 'yon nakakakilig

"Ano yung nakakakilig Kath?"

 

 

"Ay palaka ka!" Takte yang si Julia nanggugulat. Kita niyang nagmomonologue yung tao rito eh. Narinig niya kaya yung bulong ko? Ay malamang Kath tinanong ka eh. Feeling ko konti na lang sisa na'ko rito

"Ay ewan sa'yo Kath. Nga pala bakit ba hindi mo rinereplayan si Daniel mo?" Nakakunot niyang tanong habang ako eh inaayos ko ang braid ko

"Paano mo naman 'yon nalaman." Inayos ko narin ang mga gamit ko sa school total paalis narin kami

"Paano ko di malalaman eh kahapon niya pa'ko flinoflood keso kamusta ka na raw, kumain ka na raw ba. Aba 'wag niyo kong dinadamay damay sa LQ niyo ah. Tahimik ako rito eh."

 

Inirapan ko si Julia. Langya 'yong Daniel na'yon. nandamay pa. Bwisit talaga 'yon tos kay Julia pa na mapang-asar queen yan eh.

"Bayaan mo nga siya Jules. Hindi ba ang pinaka ayaw ko sa lahat eyung mga taong sinungaling at manloloko. Emergency Faculty Meeting Daw? Magmeeting siyang mag-isa niya." Pagmamaktol ko. Hindi ko kasi tinetext si Daniel mula nung mabuko ko siya

"Wow Kathryn Bernardo. Kinaganda mo 'yang pag-iinarte mo? Para na nga sayo yung ginawa niya. Arte pa? Naku ikaw talagang babae ka. Nakakakilig na nga eh!"

"Tche. Maganda naman talaga ako dati. Kaya may karapatan akong mag-inarte." Sabay ayos ko ng braids ko. Ang ayos ko ngayon eh braids. Tsaka konting lipgloss na'rin at konting powder para naman medyo matakpan ang medyo mangitim ngitim na eyebugs ko bilang galing ako sa sakit.

"Hay ikaw ang bahala. Tara na nga ang dami mo pang pinag iinarte dyan." sabay hila sakin sa sasakyan namin. "Nga pala Kath si Jon ba eh nangungulit parin." Pati nga pala si Jules eh nababanas kay Jon Lucas. Hindi niya rin daw kasi feel mas lalo naman ako. Wala man lang akong nafifeel na kilig bones kahit sa mga effort niya. Kahit ngiti niya eh hindi nakakakilig di tuad ni Dj na nakakawala ng stress- Wait yuck? Pansin ko napapadalas na ang pagpuri ko sa mukha niya. Yuck! May sakit na talaga ako. Confirmed ✔✔✔

My Heart Beats For You [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon