Aba'y ewan ko!

1.5K 5 0
                                    

Bakit sa una ang saya ng pag ibig, walang problema, puro saya,ngiti,tawa,kilig. Kung baga eh lahat ng masayang bagay eh unli.

Sa mga unang buwan na, napaka saya, kung maka tadtad ng i love you wagas, kala mo wala ng bukas, kapag umaga naman, bubungad sayo yung goodmorning with sobrang daming sweet words pa.

Yung halos araw araw kang gustong makita, kausapin ka sa phone buong araw, yung mag-ka pudpudan na ng daliri kaka text sa isa’t-isa,

yung halos mabugbog na yung partner mo kaka banat ng pick-up lines.

Pero bakit pag tagal parang nawawala na? Alam mo yon, yung dating i love you na sobra sobra eh, minsan nalang mabanggit? Kada goodmorning nalang, pag nag away nalang “Sorry i love you” Pag goodnight nalang?

Kung yung dati na tawagan na magdamagan, aba ngayon wala pang 5 minutes binababa na?

Yung dating araw araw nag kikita eh ngayon “PWEDENG SA ISANG ARAW NALANG?” 

Yung dating pudpudan ng daliri kaka text sayo, ngayon bitinan na? “Kumain kana? Gawa mo? Ahh.”

Yung dating banatan na sobra-sobra, ngayon wala na, tapos pag bumanat ka pa paminsan sasabihin sayo “KORNI” pa

Yung dating goodmorning na ang daming sabit na sweet words ngayon ganito nalang “GOODMORNING BABE :)” Tang ina smiling face nalang?

Bakit ganito? Nag sasawa na ba? Paulit-ulit nalang ba nang-yayari? Walang bago? Ang sakit eh, kung baga yung kinasanayaan mo nung una e, isa-isa nalang nawawala, paunti-unting nag babago.

DAAAAMN!

Behind every love story (Poetry, Quotes, Stories, Thoughts, Facts)Where stories live. Discover now