STOP, LOOK AND LISTEN.

347 2 0
                                    

Pag nag kakalabuan sa isang relasyon dapat, STOP. LOOK. LISTEN.

STOP - Huminto ka muna sa bagay bagay, wag kang padalos dalos sa mga bibitawan mong mga salita, pag isipan mo kung tama ba ang gagawin mo bago mag desisyon.

LOOK - Tignan mo kung ano na nangyayari sainyo ngayon, bakit kayo nag kakaganto, ano yung mga pagkukulang, ano yung mga maaaring sanhi ng away o tampuhan, tignan mo rin kung ano yung mga bagay na maaring magawa mo para hindi na lumala ang tampuhan, yung mga magandang way na mag bati kayo.

LISTEN - Pakinggan ang partner, hindi yung sabat ka ng sabat, hindi mo pa nga alam yung buong storya naka sabat kana agad, wag mag base sa nararamdaman mo, sa naiisip mo, o sa tumatakbo sa utak mo, pakinggan mo ng maige at umunawa ka.

Behind every love story (Poetry, Quotes, Stories, Thoughts, Facts)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum